top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 29, 2020 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 29, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 29, 2020 (Miyerkules): Kabi­lang ka sa mapapalad na ni­lalang. Darating ang iyong mga suwerte at sa huli, ikaw ay makikitang may masa­ganang kabuhayan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Haluan mo ng saya ang bu­hay mo. Sa ga­nitong paraan, sisigla ka at ang mga ambisyon mo ay madaling mapasasaiyo. Muli, haluan mo ng saya ang buhay mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-22-28-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapasa­saiyo ang mun­ting su­werte kapag ginamit mo ito bilang dag­dag na puhunan sa ne­gosyo ay aagos sa iyo ang malala­king mga biyaya. Ito ang mensahe ng iyong ka­pala­ran. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-1-15-26-28-30-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ma­sasayang ang mga pagsisikap mo na nakatuon sa iisang la­yunin na ikaw ay yuma­man. Iwasan mong maging abala sa maraming aktibidad na walang kinalaman sa iyong mga pangarap. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-18-24-26.

CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang tamang pana­hon para mapa­unlad mo ang iyong kabu­ha­yan. Huwag mong saya­ngin ang pagkakataon, una­hin ang pagpaparami ng laman ng iyong kaban-ya­man. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-21-25-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag­tiwala ka sa sarili mo. Ang totoo ay hindi mo na kailangan ang iba para umasenso ka. Isa pa, ang mga taong nagsasabing tutulong sa iyo ay ang mga taong hindi mo maaasahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-25-29-30-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tama ka, bakit ka magpapa­turo sa mga ta­ong mahina ang isipan kay­sa sa iyo? Sobra sa sapat ang iyong mga kaalaman para magtagumpay ka sa iyong mga proyekto. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-21-29-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang ma­nanaman­tala sa kabu­ti­hang-loob mo. Aakalain nila na ikaw ay naisahan, pero ang hindi nila alam ay mas pinagpapala ka kapag dina­raya ka ng kapwa mo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-17-22-25-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka. Mas kailangan ng tao ang saya kaysa sa mga materyal na bagay dito sa mundo. Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili na sumaya lalo na nga­yong araw. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-11-18-28-38-40-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa mga nanga­ngailangan ang iyong mga suwerte. Huwag kang manghinayang dahil kapag ginawa mo ito, darami ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-27-35-38-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdag na suwerte ang ma­pasasaiyo at may mga suwerte pang mag­daratingan sa buhay mo. Hu­wag mong kaligtaan na mag­pasalamat sa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-17-25-36-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Susuwer­te­hin ka sa araw na ito. Ibahagi mo sa iba ang ilang mga su­werte mo, gayundin, pasa­yahin mo ang mga taong tu­mulong at umalalay sa iyo. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-25-33-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong tanggihan ang mga tulong mula sa malayo. Silipin mo muna ang mga nasa malapit kung may nakatagong hindi magandang motibo bago mo tanggapin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-16-20-21-28-30-33.

Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page