top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Panay ang gimik mapag-usapan lang… Jadine, tuwang-tuwa na pinaglalaruan ang madlang pipol na todo-pa

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 28, 2020
  • 1 min read

Grabe kung magpaikot ang kampo nina James Reid at Nadine Lustre. Pinaglalaruan nila ang publiko sa ka­nilang mga kadramahang pinaggagagawa. May script sila sa kanilang mga gimmicks upang patuloy na pag-usa­pan ng publiko.

Pati mga nananahimik na tao tulad ni Issa Pressman ay kanila pang idinamay. Pero ang ganitong style at dis­­karte ay hindi naman nagtatagal. Lalabas at la­labas din naman ang totoo.

Sasabihin nilang break na at naghiwalay sina James at Na­dine, pero ilang araw lang, nag­po-post naman sila na magka­sama sa isang event. Tapos, sasa­bihin ng ka­ni­lang mga fans na fake news ang isi­nusulat na hi­wa­­la­yang JaDine.

May mga kasamahan ka­ming entertainment writers na ayaw nang patulan ang anu­mang balita tung­kol kina James at Nadine. Ayaw na nilang pani­walaan ang mga drama at pasa­bog ng dalawa. Pinaglala­ruan kasi ng JaDine ang media. Tu­wang-tuwa sila ka­pag may mga publicities na nag­lalaba­san. Ma­laking tulong kasi ‘yun sa kani­lang career at pang-promo na rin sa kani­lang upcoming pro­jects.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page