Nanaginip na nasa ibang bansa, sign na dapat mag-abroad dahil nandu’n ang suwerte
- Socrates Magnus
- Jan 28, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Rhanlene ng Rhanlene_Nanao@facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako na nasa ibang bansa ako. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Rhanlene
Sa iyo Rhanlene, Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa ibang bansa ka ay mag-abroad ka. Inuutusan ka ng iyong panaginip na mag-abroad. Isang senyales ito na sa abroad ay makahaharap mo nang mukhaan ang mga suwerte mo.
Ang totoo nga, kaya mo ito napanaginipan ay dahil na rin sa katotohanang dito sa atin, walang oportunidad na matupad mo ang iyong mga pangarap. Dito sa atin, oo, maaaring suwertehin ka kaya lang, ang mga suwerte mo rito ay hindi panghabambuhay at hindi rin maaasahan na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan.
Mapabibilang ka sa marami nating mga kababayan na umaangal dahil ayon sa kanila, nagsisikap sila at ginagawa ang lahat para umunlad ang buhay, kaya lang, dama nila na wala namang nangyayaring maganda sa kanila.
Kaya ang payo ng iyong panaginip, muli, mag-abroad ka dahil sa abroad ay makahaharap mo nang mukhaan ang iyong mga suwerte sa buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments