top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Gastador na call center agent, mas makakaipon kung mag-aasawa na

Maestro Honorio Ong
Jan 28, 2020
2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Ako ay binata sa edad na 29 at nagtataka ako sa nangyayari sa buhay ko. Matagal na akong nagtatrabaho sa call center pero hindi ako makaipon kahit malaki naman ang kinikita ko.

  2. Sabi tuloy ng mga kapatid at kaibigan ko ay mag-asawa na ako, pero paano ako makapag-aasawa kung sa sarili ko lang ay parang kulang pa ang kinikita ko? Hindi naman ako mabisyo, bihira lang ako uminom at hindi rin ako babaero at nagsusugal. Saan kaya napupunta ang sahod ko?

  3. Kung mag-aasawa na ako, Maestro, sa palagay n’yo, magbabago kaya ang takbo ng buhay ko at makapag-iipon na ako?

Kasagutan

  1. Ang problema ayon sa nahulog na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa pagitan ng mga daliri sa kaliwa at kanan mong palad, malabo kang makaipon dahil hindi mo nga masasawata ang pangangati ng iyong mga kamay na bumili ng mga bago at usong bagay na hindi mo naman masyadong kailangan. Hindi lang ‘yun, dahil likas ang pagiging maangas mo, mas gusto mong kumain sa labas kaysa magbaon kaya lalong lumalaki ang gastos mo, gayundin, hindi pa kasali ru’n ang patuloy na paggamit mo ng iyong credit card sa kahit anong okasyon at bagay na iyong binibili na puwede namang i-cash upang hindi na makarga pa sa credit card ang interest.

  2. Dahil hindi tugma sa iyo ang pagiging binata, tama ang payo ng iyong mga kapatid at kaibigan. Ang pinakaepektibong solusyon ay mag-asawa ka na sapagkat ayon sa maganda, kaisa-isa at maayos na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) na kinumpirma rin ng maganda at maayos na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa pag-aasawa, lalo na kung makakukuha ka ng babaeng hindi nahulog ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow d.) sa pagitan ng mga daliri, sa halip ay nanatili lang sa Budok ng Saturno (arrow d.), tiyak ang magaganap, hindi ka man marunong mag-ipon, misis mo ang magtitipid at magsisinop ng iyong malaking kinikita upang kapag nagkaroon na kayo ng mga anak, matitiyak ang maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Mga Dapat Gawin

  1. Kung minsan, ang daming problema sa buhay ng mga binata at dalaga, kamukat-mukat mo, ang pag-aasawa lang pala ang simpleng solusyon upang sumaya at maging produktibo pang lalo ang kanilang pamumuhay.

  2. Tunay ngang ang madaling paraan upang makaipon ka habang malaki naman ang kinikita mo ay mag-asawa ng babaeng may trabaho rin na marunong mag-ipon at masinop sa buhay na matatagpuan mo sa babaeng Capricorn, na siya rin namang katugma at katugon ng zodiac sign mong Taurus.

  3. Ganu’n ang mangyayari dahil ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap, sa taong 2021, sa edad mong 32 pataas, magkaka-girlfriend ka na at siya na rin ang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng masinop, maunlad at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page