top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Biriterang singer, todo-wish na maka-survive… Sheryn, tuloy sa paglaban sa thyroid cancer

  • Melba Llanera
  • Jan 28, 2020
  • 2 min read

"Ako bilang singer, naiintindihan ko. Baka ‘di niya kinaya or baka na­taasan lang niya masyado, nasob­rahan lang niya, na-challenge siguro, na-motivate siguro. Maybe impromptu niya siguro ginawa ‘yun na ‘di siya ready. Kasi ‘pag ‘di ka ready, tiyak na may mangyayari tala­ga. Baka hindi siya ready na ibirit o baka may sakit siya nu’n,” ang pahayag sa amin ni She­ryn Regis nang hingan namin ng re­ak­siyon sa nangyaring pagpiyok ni Morissette Amon sa nakaraang production number nila sa A.S.A.P. Natin ‘To kung saan kasama nila si Angeline Quinto at iba pang biritera.

Bilang isa nang datihang singer at kini­lala dahil sa taas at ganda ng kalidad ng kan­yang boses, tinanong din namin si Sheryn kung may payo ba siyang maibibigay kay Moris­sette sa nangyari rito.

Ayon sa tinaguriang Crystal Voice of Asia, dapat alagaan ni Morissette at ‘wag abu­suhin ang boses nito at dapat ay laging maglaan ng panahon para ipahinga ang lalamunan.

Dagdag din ni Sheryn, ‘di porke’t ibinibirit ang isang kanta ay maganda na ito. Kaila­ngan din ng tamang pagkanta bilang pag­res­peto rito at sa mis­mong composer nito.

Para rin kay Sheryn, pu­we­de mong iba­hin ang tono ng kanta pero hindi dapat sobra, ‘wag baliin masyado dahil dito nawawala ang ganda ng musika.

Nagbabalik ngayon si Sheryn sa local mu­sic industry kung saan may gagawin siyang concert sa Feb. 28 titled Back To Love. Si­niguro ni Sheryn na mapapanood pa rin ang mga kantang pinasikat niya, pero may mga kakantahin siyang ‘di inaasahan ng mga tao.

Gusto niyang mas matagal na mamalagi ngayon sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang singing career. Ipinagpapasalamat ni Sheryn na buo ang suportang ibinibigay sa kanya ng asawa at ng nag-iisang anak na teen-ager na ngayon sa kanyang desisyon.

Bukod sa pagkanta, gusto ring balikan ni Sheryn ang pag-arte. Isa sa mga gusto niyang makatrabaho ay ang tambalang MayWard.

Inamin niya noon na nagkaroon siya ng thyroid cancer, at sa ngayon ay patuloy pa ring bumabalik sa kanyang doktor tuwing ika-anim na buwan para sa check-up, bukod sa tuluy-tuloy na pag-inom niya ng gamot.

Hiling ng singer ay tuluyan na siyang ma­ging cancer-free at patuloy pa ring kumanta at makagawa ng magagandang musika.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page