Gobert at Leonard, bida kontra sa Mavs at Heat

Pinamunuan ni Rudy Gobert ang pananalasa para sa Utah Jazz upang magwagi kontra Dallas Mavericks, 112-107 kahapon sa NBA game sa Salt Lake City.
Umiskor si Gobert ng 22 points, 17 rebounds at naka-blocked ng 5 shots five shots. Bumanat si Donovan Mitchell team-high 25 points para sa Utah, habang si Bojan Bogdanovic ay may 23 points. Napagwagian ng Utah ang ika-4 na straight game at may kartadang 19-2 kontra sa huling 21 laro. Umiskor si Luka Doncic ng 25 points para sa Dallas. Dumagdag si Seth Curry ng 19 points maging si Kristaps Porzingis ay may 15 a Mavericks. Samantala, pinangunahan ni dating NBA finals MVP na si Kawhi Leonard ang Los Angeles Clippers upang malusutan ang Miami Heat, 122-117.
Nagpamalas na naman ng kanyang all around game si Kawhi sa bisa ng kanyang unang triple double performance sa 33 points, 10 rebounds at 10 assists. Itinarak ng Clippers ang ika-32 panalo ngayong season. May natipon agad na 26 puntos sa half time si Leonard. Nagulat din si Heat coach Erik Spoelstra dahil sa lakas ng laro na ginagawa ni Kawhi, ito pa lang ang first triple double at nagkataong laban pa sa kanyang team. Nakatulong sa opensa ng Clippers sina Landry Shamet sa 22 points habang sina Lou Williams ay naka-16 at si Montrezl Harrell ay nakabakas ng 15.





Comments