top of page

2020 na, tama na ang pagiging nega… Tips para maging confident sa sarili

  • Jersey Sanchez
  • Jan 27, 2020
  • 2 min read

No Problem

Marahil, marami pa rin sa atin ang hirap sa pag-build-up ng self-confidence dahil sa mataas na standard ng lipunan. ‘Yung tipong wa’ ‘wenta ka ‘pag wala ka pang stable na trabaho sa partikular na edad o 'di kaya maganda ‘pag hindi ka sexy. Well, kahit ayaw nating magpadala sa mga ito, hindi mapigilang maapektuhan tayo.

Gayunman, ngayong 2020, tama na ang pagiging nega dahil narito na ang ilang tips para maging confident:

1. MAG-EXERCISE. Hindi tuwing trip mo lang, ha? Dapat tayong mag-ehersisyo nang regular nang sa gayun ay ma-set ang ating sistema at mood. Nakatutulong ang pag-e-exercise sa pagkakaroon ng clear goals at isipan. Tara na at tanggalin ang mga taba at negativities sa katawan!

2. ALAMIN ANG STRENGTH. For sure, alam n’yo na kung anu-ano ang mga kaya mong gawin, pero hindi ibig sabihin nu’n na titigil ka na sa pagdiskubre ng mga kalakasan mo. Sa araw-araw na pagtatrabaho o pag-aaral, siguradong may matutuklasan kang bagay na kaya mo palang gawin. Make sure na ililista mo ang mga ito, ha?

3. I-TREAT ANG SARILI. ‘Pag napapansin mong masyado kang nagsisikap, ‘wag mong kalimutan na i-treat ang sarili mo kahit paminsan-minsan. Kung rewarding para sa iyo ang pag-attend ng dance o art classes, why not? Mga besh, hindi naman kailangang bongga ang gawin mo, ang simpleng pagkain ng paborito mong pagkain o pagbabasa ng libro ay oks na.

4. NGUMITI. Siyempre, hindi mawawala ito! Kahit gaano ka-challenging ang iyong araw, ‘wag mong kalimutang ngumiti dahil hindi lang ito basta nakapagpapaganda ng iyong mood kundi nakatutulong din para matanggal ang bad vibes ng mga tao na nasa paligid mo.

5. I-COMPLIMENT ANG SARILI. Hindi naman ito puro pagbubuhat ng sariling bangko dahil kung deserve mo ng compliment, bakit hindi? Mga besh, minsan ay nakakalimutan nating bigyan ng credits ang ating sarili dahil masyado tayong nagpapadala sa sasabihin ng ibang tao. Pero hey, ibigay mo ito sa iyong sarili, lalo na ‘pag may achievements ka, regardless kung maliit ito o malaki.

6. ‘WAG MAHIYANG HUMINGI NG TULONG. ‘Ika nga nila, no man is an island kaya hindi ka dapat mahiyang mag-reach out sa iyong mga kaibigan, pamilya o kahit propesyunal na tulong kung ito ang kailangan mo.

7. ‘WAG IKUMPARA ANG SARILI. Sa halip na mainggit sa progress ng iba, mas mabuting magpokus sa sarili mong progress. Bakit? Hindi ito makatutulong dahil lalo lang itong magpapababa ng confidence mo. Sa halip, bigyang-pansin mo ang iyong strength at weaknesses para malaman kung paano pagbubutihin ang mga ito.

Ready ka na bang buuin ang iyong better version? Kaya kasabay ng Bagong Taon, sabay-sabay nating gawin ang ilang tips na ito nang sa gayun ay mabalewala ang standards ng lipunan at mas maraming tao ang maging confident. Ayos ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page