Wala pang kapalit, fans pumalag… Serye ni Alden sa siyete, babu na?
- Erlinda Rapadas
- Jan 26, 2020
- 1 min read

Nagtatanong ang mga fans-supporters ni Alden Richards kung may follow-up ba ang seryeng The Gift kapag ito ay natapos na? May ipapareha na bang Kapuso artist sa kanya bilang kapalit ni Maine Mendoza?
Well, sa pagkakaalam namin, kasama sa kontrata ni Alden ay isang serye lang kada taon ang kanyang gagawin.
Pero, hindi siya mababakante sa trabaho dahil may iba pang shows na ibibigay sa kanya ang GMA Network.
Mainstay siya sa bagong musical show na All-Out Sundays. Si Alden din ang host ng bagong singing contest for kids, ang Centerstage kasama si Betong Sumaya.





Comments