top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Napanaginipan si ex na padir ng anak, sign na love pa ang isa‘t isa kaya dapat magkabalikan na

  • Socrates Magnus
  • Jan 26, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ellesor ng Ellesor_Pimentel@facebook. com

Dear Professor, Nais kong malaman ang ibig sabihin ng aking panaginip na ramdam ko ay totoo. Napanaginipan ko na masaya kami ng anak ko at sa aming paglalakad, nakita ko ang ex ko na tatay ng anak ko. Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman kami nagpapansinan nu’n kaya nauna nang bumalik ang anak ko.

Ang sumunod na eksena, nadisgrasiya ang anak ko, pero hindi ko alam kung napaano siya, basta karga na siya ng tatay niya. Umuwi kami sa bahay kasama ang ex ko at sa bahay siya natulog.

Nadatnan niya akong dumudumi sa palayan, tapos inililigpit niya ‘yung mga gamit na pang-baby at kukunin niya ang baby ko, pero wala akong baby sa tunay na buhay. Limang taon na ang anak namin ngayon. Sana ay mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan ko. Salamat!

Naghihintay, Ellesor

Sa iyo Ellesor, Nagbabalita ang iyong panaginip na ikaw ay may pagmamahal pa sa ama ng anak mo kaya ito ay isang pabalita ay dahil ito rin ay nagsasabing ikaw ay liligaya na. Puwede rin itong babala kung nagkataong may iba ka nang asawa, kinakasama o karelasyon, ikaw ay hindi masaya sa kanya. Dahil dito, piliin mo ang ama ng anak mo dahil bukod sa mabubuo ang pamilya n’yo, ikaw ay liligaya pa. Sinasabi rin ng panaginip na mahal ka pa ng ex mo at mahal na mahal ng iyong anak ang kanyang ama kaya walang hadlang kung muli kayong magkakabalikan.

Kapag lumaki ang bata nang walang nakagisnang ama, siya ay hindi magiging masaya. Hahanapin niya ang “fatherly love” kung saan kapag siya ay mag-aasawa na, ang gugustuhin niyang mapangasawa ay mas matanda sa kanya at malaki ang agwat ng edad nilang dalawa.

Marami ang nagsasabi na age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig. Ito ay masarap lang pakinggan, pero hindi ito magandang mangyari dahil ang mag-asawa ay dapat na halos magkaedad. Kapag mas matanda ang isa, darating ang panahon na makikita ng mas bata na may mga pangangailangan siya na hindi na kayang ibigay ng matanda.

Hindi man sila magkahiwalay, ang posibilidad na siya ay magtaksil ay naroroon, anumang oras o araw. Banal ang pag-aasawa hindi lang sa batas ni God kundi sa batas ng tao. Ito ay sagrado kaya ang pagtataksil ay bawal, naitago man o lantad.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page