Kaya raw tumagal nang 8 yrs… Hirit ni Xian: Malaya kami ni Kim na gawin ang mga gusto namin

A grand presscon ng Love Thy Woman last Friday ay natanong ang mga bidang sina Kim Chiu at Xian Lim kung gaano na katagal ang kanilang relasyon pero ayaw nilang sabihin at sa kanila na lang daw ‘yun.
“Ibinibigay naman na namin lahat, baka ‘yung numero, amin na lang,” sey ni Kim.
Pero kung hindi kami nagkakamali ay nasa 8 years na rin ang kanilang relasyon dahil natatandaan naming nag-post si Xian last year ng throwback photo ng first date nila ni Kim taken in 2012.
Alam din naman sa showbiz na matagal na ang relasyon ng dalawa kaya napupuri ang pagiging matatag nila especially now na fresh na fresh pa sa lahat ang breakup nina Nadine Lustre at James Reid.
Natanong sa KimXi kung ano ang secret ng kanilang pagiging matatag at ayon kay Xian, isang factor ‘yung hinahayaan nila ang isa’t isa na mag-grow.
“Kumbaga, si Kim, she has the freedom to do everything she wants as an artist and she also gives me the freedom to do whatever it is I feel like I need to do. So, I think, doon, naggo-grow kami together. Hindi namin hinahawakan sa leeg ang isa’t isa. That’s one of the secrets,” sey ni Xian.
Ayon naman kay Kim, respect for each other is also one factor. “We respect each other as a person, individual. Saka ‘yung oras namin, inirerespeto rin namin. And ‘yun, wala naman sigurong problema kung doon mo simulan ang lahat,” ani Kim.
Samantala, magsisimula na ang LTW sa Kapamilya Gold ngayong Feb. 10 na reunion project ng KimXi pagkatapos ng The Story of Us noong 2016.





Comments