top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Future BF, makikilala habang naglalakbay o nasa PUV

Maestro Honorio Ong
Jan 25, 2020
2 min read

Dear Maestro, July 7, 1994 ang birthday ko. Labis akong nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend.

Kailan kaya ako magkakaroon ng first boyfriend? Sino ang lalaking ito at saan ko siya makikilala?

Ang pagkakaalam ko ay maganda o may hitsura naman ako kaya gusto ko ring malaman kung ano ang aking suwerteng kulay at kung kailan ito dapat isuot para suwertehin naman ako, lalung-lalo na sa pag-ibig at sa pakikipagrelasyon?

Umaasa, Ms. Cancer ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Ms. Cancer, Ayon sa birth date mong 7, sa destiny number na 1 (7+7+1994=2008/ 20+08 =28/ 2+8=10/ 1+0=1) at sa zodiac sign na Cancer, mapalad ka sa kulay berde at dilaw.

Ganito ang paggamit, tuwing sasapit ang mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Lunes at Sabado, berde ang gamitin mong kulay, habang tuwing sasapit naman ang mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo, dilaw ang gamitin mong kulay.

Sa ibang mga petsa at pagkakataon, puwede ka ring gumamit ng itim, orange at pula bilang pampabuwenas. Bukod sa nasabing mga petsa at araw, susuwertehin ka namang magka-boyfriend o sabihin na lang nating makikilala mo ang magiging first boyfriend mo, mula sa ika-20 ng Hunyo hanggang sa ika-25 ng Hulyo, mula sa ika-20 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre at mula sa ika-20 ng Pebrero hanggang sa ika-25 ng Marso.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, ang magiging first boyfriend mo ay nakatakda mong makilala sa isang paglalakbay, maaari ring nakasakay ka sa pampublikong sasakyan kung saan ang nasabing lalaki ay nagtataglay ng zodiac signs na Pisces, Scorpio o Capricorn na may birth date na 2, 11 o 20 at ang inyong pagtatagpo ay tinatayang magaganap ngayong taon ding ito ng 2020, sa buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre sa edad mong 26 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page