top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

40 yrs. mahigit naghintay… Eugene, nag-asawa na ng Italian guy

  • Nitz Miralles
  • Jan 25, 2020
  • 2 min read

Nitz Miralles / Bida

Hindi kinontra ni Eugene Domingo nang tawagin siyang “housewife” ng kasama naming reporter na nag-interview sa kanya sa taping ng Dear Uge Presents. Ang reaksiyon lang nito ay “Housewife talaga!”

“As a housewife, napaka-domesticated ko, maasikaso, nagluluto ako for him at nagluluto rin siya for me. Mas masarap pa siyang magluto sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwalang dumating siya sa buhay ko. Tinititigan ko siya habang pinagsisilbihan ako. After four years, every time I wake up, nagte-thank you ako kay Lord for giving me this man. I promise I’ll take good care of him,” sabi ni Eugene.

Si Ai Ai delas Alas ang nagsabi kay Eugene na kailangan niyang maghanap ng partner. Akala niya, okay na siyang nagso-solo, pero dumating nga si Danilo Bottoni na isang Italian.

“He’s the one, complete na ang buhay ko. Napaluha ako nang dumating siya sa buhay ko and up to now, sinasampal-sampal ko ang sarili ko kung totoo ba ito? More than 40 years ko siyang hinintay,” ayon pa kay Eugene.

Kasama ni Eugene ang asawa na bumalik mula sa bakasyon niya sa Italy at si Danilo ang isa sa mga nagtutulak kay Eugene na ipagpatuloy ang pag-arte na ginagawa nito. In fact, sa bagong concept ng Sunday series niyang Dear Uge Presents, aarte na si Eugene, hindi na lang siya magbabasa ng letter.

“Wala na ring sari-sari store. Full kuwento na ang mapapanood at tama sa 4th anniversary namin. Bukas, Sunday, simula na ang Dear Uge Presents at guests namin sina Rhian Ramos at Sanya Lopez sa episode na Sistering tungkol sa siblings ng OFW.

Whole month ng February ang anniversary celebration. We have Gabby Concepcion as guest sa Feb. 9, at matutuloy na rin si Ai Ai sa pagge-guest,” balita ni Uge.

Sa istorya ng Sistering, gaganap si Uge bilang si Elena na kinalimutan ang love life para maitaguyod ang dalawang kapatid na sina Florence (Rhian) at Liza (Sanya).

Akala niya, dahil sa kanyang sakripisyo ay napag-aral ang dalawang kapatid, pero pag-uwi niya sa ‘Pinas, sakit ng ulo pala ang sasalubong sa kanya.

Alamin sa Dear Uge ngayong Linggo, 2:30 PM ang istoryang kinatatampukan nina Eugene, Rhian at Sanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page