Horoscope | Enero 24, 2020 (Biyernes)
- Maestro Honorio Ong
- Jan 24, 2020
- 3 min read

Sa may kaarawan ngayong Enero 24, 2020 (Biyernes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo, kaya magnegosyo ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis ang susi para makuha mo ang mga gusto mo kaya mabilis ding maibibigay ang malalaking yaman sa iyo. ‘Wag na ‘wag kang babagal-bagal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-29-30-35-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit malungkot ka ngayon, sasaya ka dahil ang gusto ng langit ay magiging masaya ka. Ang mga kalungkutan ay ‘wag mong yayakapin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-13-17-20-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Sabay-sabay ang pagdating ng mga suwerte mo. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga biyayang kaloob sa iyo ng langit. Ito ang tunay na susi ng iyong magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-21-25-33-34.
CANCER (June 21-July 22) - Pasasayahin ka ng langit dahil ayaw Niya na makitang may lungkot sa iyong mga mata. Dahil dito, ang puso mo ay pupunuin ng kagalakan na ang ibig sabihin ay ang mga suwerte mo ay darating na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-14-16-26-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo ang gusto mo, pero gawin mo ito nang masaya ang iyong kalooban. Sa ganitong paraan, mabilis kang yayaman, kaya ang mga sama ng loob mo na naipon sa puso ay itapon mo na. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-17-18-22-27-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ay araw mo at ang ibang mga araw na darating ay iyo pa rin. Mapapahiya ang mga lihim at lantad mong kaaway at wala silang magagawa kundi ikaw ay pakisamahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-25-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng maganda at gaganda ang takbo ng iyong kapalaran, kaya ang mga luma at kupas na ay ‘wag mo nang gamitin kahit kailan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-21-24-44-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magtanong sa may alam, ang masama ay ang nagmamarunong kahit hindi naman alam. Humingi ka ng payo sa taong kitang-kita mong umaasenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-18-27-29-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tularan mo ang mga umangat sa buhay nang sa gayun ay umangat din ang iyong buhay. Huwag kang maniwala sa mga taong nagsasabing bawal mangopya at gumaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-19-26-29-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpasya ka at bilisan mo ang pagpapasya dahil tiyak na tatama ka. Kapag matagal ang pasya mo, magiging mali ito. Ito ang gabay ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-20-24-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte kaya huwag kang manghinayang sa mga suwerteng nakalagpas sa mga kamay mo. Harapin mo ang bawat araw nang positibo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-22-23-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Negosyo ang unang ibibigay sa iyo ng langit at ang lahat ng bagay na ikaliligaya mo. Muli, negosyo ang unahin mo at hindi ang iba pang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-38-41-45.
Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments