top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kinumbinse raw ni Congw. Vilma… Dina, suportado ng mister na Cong. sa pagtakbo sa Ilocos Sur

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 23, 2020
  • 1 min read

Photo: @dinabonnevie

In her best elements si Ms. Dina Bon­nevie nang humarap sa media sa ginanap na media launch ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, ang bagong seryeng mapapanood na sa GMA-7 Primetime simula sa Lunes, Jan. 27.

All-star cast ang serye na pinangu­­ngu­­na­han nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Celia Rodriguez, Jay Manalo, Migo Ade­cer, Barbie Forteza, Kate Valdez, Jean Sa­burit, Teresa Loyzaga, Tanya Monte­negro, atbp. mula sa direksiyon ni Mark Si­cat dela Cruz.

Mag-best friend ang role nina Dina at Snooky na naging mortal enemies nang dahil sa isang lalaki.

Ibang-iba na ang awra ngayon ni Dina at mukhang peaceful and happy ang kan­yang married life sa piling ni Congressman Deogracias Savellano na dating vice-governor at ngayon ay congressman sa Ilocos Sur.

Aktibo ngayon si Bonnevie sa pagpo-promote ng mga produkto sa Ilocos tulad ng Inabel (fabric), bagnet at ang famous Vi­gan longganisa na paborito ng marami.

Marami raw ang nagko-convince kay Dina na pumasok na rin sa political arena at tumakbo sa Ilocos Sur. Mismong si Star for All Seasons at Congw. Vilma Santos-Recto ang nagsabi raw kay Bonnevie na ka­kayanin niya ang maging public servant. Pati ang kanyang mister na congressman, suportado siya sakaling pumasok sa pu­li­tika.

Well, mukhang malapit nang makum­bin­se si Bonnevie!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page