top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 23, 2020 (Huwebes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 23, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Enero 23, 2020 (Huwebes): Kilalanin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay alam mo ang iyong kalakasan at kahinaan. Sa ganitong paraan, hindi ka mabibigo sa iyong mga am­bisyon sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag napan­sin mong hirap umusad ang iyong mga plano, huminto ka muna at muli mong ba­likan ang naiplano mo at hanapin ang mga dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad nito. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-17-20-27-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga namimin­tas at walang magawa kundi kumontra sa mga kagustuhan mo. Hi­nahadlangan ka nila dahil takot sila at ayaw nilang mag­tagumpay ka. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-21-27-34-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Lakasan mo ang loob mo. Ang mga pagsubok sa buhay ay ku­sang mawawala kung ipa­kikita mo ang lakas ng loob mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-25-29-30-33.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mahiyang mag­labas ng saloo­bin sa iyong mga kaibigan, lalo na ang malalapit sa puso mo. Kaya may kaibigan ang tao ay para meron siyang ma­lapitan at masabi­han ka­pag may pinagdara­anan. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-28-30-31-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Itu­loy mo ang iyong mga plano. Tan­daan mo, sa iyo ang mga plano kaya ikaw lang ang may karapa­tang ba­guhin ang mga ito. Hu­wag mong pansinin ang mga naki­kialam sa buhay mo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-18-25-28-30-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masikip ang daan ng iyong buhay at nilala­karan sa ngayon, ngunit, pa­nandalian lamang ito kaya ipagpatuloy mo ang ganitong pamamaraan at giginhawa ang iyong buhay. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-1-16-24-28-34-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kakayanin mo ang lahat ng mga pagsubok sa iyong buhay dahil naka­salalay dito ang iyong kina­bukasan. Kahit mahirapan ka, huwag kang aatras. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-5-17-21-25-26-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Na­katago pa ang mga malala­king suwerte para sa iyo. Kaya sa halip na ma­lungkot, lihim kang mag­saya dahil ang mga suwerte mo ay mapasasaiyo na. Ma­su­werteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-18-26-28-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palakasin mo ang iyong magagandang katangian. Ito ay para may malalaking tagumpay ang mapunta sa iyong mga ka­may. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-29-30-31-38-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mamili. Ang mga nasa harapan ngayon ay lihim na makatatanggap ng utos mula sa langit na alalayan at tulungan ka sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-17-26-29-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapan­sin mo na pa­iba-iba ang mga bagay na laman ng isipan mo. Ito ay malinaw na pala­tandaan na kung ano ang magpapaganda sa ka­pala­ran mo ay mararanasan mo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-15-16-24-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang kontra nang kon­tra sa iyo, siya ang magiging sobrang ma­la­pit sa iyo. Ito ang hiwaga ng buhay tungkol sa mag­ne­tismo na panay kontra sa kinokontra. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-18-20-21-23.

Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page