Sa pagsasara raw ng Dos… Bela, shocked na mawawalan na ng trabaho
- Vinia Vivar
- Jan 22, 2020
- 1 min read

Parehong Kapamilya sina JC Santos at Bela Padilla kaya natanong sila sa presscon ng latest film nilang On Vodka, Beers, and Regrets kung ano ang masasabi nila sa kinakaharap na problema ngayon ng ABS-CBN tungkol sa renewal of franchise.
Biro ni Bela, “Shocks, oo nga, mawawalan na pala ako ng trabaho.”
Sabi naman ni JC, “Nalulungkot din ako.”
Nang matanong kung may sinabi na ba sa kanila ang network, balik na tanong ni Bela, “Wala nga po, eh. May nasabi na ba sa inyo?”
Pahayag naman ni JC, “Sana naman, humaba pa. Sana naman, both sides, magkapatawaran. Hindi ko alam.”
Dagdag naman ni Bela, sa ngayon ay ayaw muna niya itong pag-isipan lalo pa nga’t napapanood siya sa It’s Showtime.





Comments