Nadulas, nag-put*** ina… Sigaw ng madlang pipol: Kathryn, palamura, bad influence!

Napakababaw at sobrang makapanghusga ang ilang bashers ni Kathryn Bernardo.
Minsan lang itong nakapagmura nang matindi (put*** ina) dahil aksidenteng nadulas at nagulat, eh, inakusahan at nilait-lait na.
Palamura raw ang magaling na young actress at hindi magandang ehemplo sa kabataan. Mga nuno ng kaipokritahan ang mga bashers na ito na akala sa kanilang sarili ay mga sobrang bait at mga santo at santa na.
For sure, marami rin sa mga bashers ni Kathryn ay nakakapagmura dahil hindi naman sila mga perpektong tao na sakdal-linis at banal. Normal lang sa isang tao kahit na artista pa ang paminsan-minsan ay napapamura out of frustrations, galit, pagkabigla at pagkagulat.
Marami kaming kakilalang celebrities na paminsan-minsan ay napapamura rin. Iba ito kesa sa taong likas na palamura sa lahat ng kanyang ginagawa at sinasabi. Naturalesa na nila ang pagiging palamura at mahirap na nila itong alisin o tanggalin dahil nakasanayan na.
May mga tao naman na nagiging expression lang ang pagmumura at hindi nila ito sinasadyang sabihin. May kakilala kaming sikat na sikat at inirerespetong aktres na mabait at huwaran ang personalidad, pero minsan, kapag napu-frustrate at nagagalit sa mundo ay napapamura para mai-release ang sama ng loob. Ganu’n din ang ibang artista kaya hindi dapat na bina-bash.





Comments