Hanap-sisi raw sa pang-iiwan ng aktor… Jadine fans, ipinagkakalat na tibong si Issa ang ipinalit ni
- Nitz Miralles
- Jan 22, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @james (left) / @pressmanissa (right)
Alam kaya ni Issa Pressman (sister ni Yassi Pressman) na naglabas ng diumano’y ebidensiya ang ilang JaDine fans ng pagpi-flirt niya kay James Reid?
May mga ipinalabas na pictures ang mga fans na kuha sa isang bar last December at ipinakitang nag-kiss ang dalawa. Ang tingin namin, nagbeso lang sina James at Issa na ginagawa ng magkakaibigan.
Saka sa blurred photos na inilabas, parang kasama ni James si Nadine at hindi naman siguro sila gagawa ng ipagseselos ng aktres.
Sabi tuloy ng mga netizens, naghahanap na lang ang mga JaDine fans ng masisisi sa breakup nina James at Nadine.
May nag-comment na ang alam nila, may GF si Issa na aminadong bisexual at tanggap ng kanyang pamilya. May nakita pa kaming photos nila ng GF niya sa kanilang bahay.





Comments