top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Digmaan, paghahanda ng iba’t ibang bansa ngayong 2020

Sr. Socrates Magnus II
Jan 22, 2020
1 min read

Bigyang-daan natin ang prediksiyon ngayong 2020 o Year of the Metal Rat Ngayong 2020, ang Chinese animal sign na maghahari ay Metal Rat. Ito ay nagbabalita ng mga sumusunod na kaganapan sa mundo.

1. Ang pagtutuunan ng pansin ng mga bansa ay ang pagkakaroon ng malakas na militar na panglupa at himpapawid.

2. Magiging moderno ang mga tangke at armoured military vehicle at ang mga drone ay makikitang mas dumarami at nagiging moderno na sumasabay din sa takbo ng modernong panahon. Kaya hindi nakapagtataka kung ang mga drone ay hindi na masasagap ng mga gamit na pamprotekta sa mga kaaway.

3. Marami sa mga mahihinang bansa ay makikitang naghuhukay ng lupa para pagtaguan kapag nilusob ng mga kaaway.

4. Makikita rin na kahit gaano kalakas ang mga superpower, mananatili ang mahigpit na digmaan dahil ang mga dedepensa at aatake ay parang mga dagang nasa ilalim ng lupa at lalabas lang kapag aatake na.

5. Sa biglang tingin, ang agrikultura ay walang kinalaman sa digmaan, pero makikita na ang mga bansang naglalaban ay mag-iipon ng mga pagkain mula sa halaman na ang kinakain ay mga bungang-ugat.

6. Makikita rin na ang mga dagat ay magiging sentro ng labanan hindi dahil inaangkin kundi ang mga pinatuyong laman-dagat ay kailangang-kailangan ng mga bansa bilang paghahanda sa kinatatakutan na mga nuclear na pag-atake.

7. Kahit maunlad ang teknolohiya sa mga advanced military weapons, makikitang nagpaparami ng mga sundalo— tulad ng mga daga na napakabilis magparami — dodoble ang bilang ng military personnel sa buong mundo.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page