top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Enero 20, 2020 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Jan 20, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Enero 20, 2020 (Lunes): Kabilang ka sa pinagpala, ibig sabihin, mas masuwerte ka kaysa mga pangkaraniwan. Huwag mong kaliligtaan na magpa­sa­lamat sa itaas at magbi­gay-papuri.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka kahit may ini­inda kang prob­lema dahil tulad sa nakara­an na ikaw ay nagsaya, nag­datingan ang magagandang kapalaran sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-8-10-13-29-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang nasa harapan mo at kunin mo rin ang dumarating na mga pagkakataong mas magpa­paangat sa iyong buhay. Ang lahat ng ito ay para sa iyo na regalo ng langit. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-28-30-33-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang masyadong ser­yoso sa buhay mo. Ang harot, biro at pa­tawa ay mga sikretong susi ng pagkakaroon mo ng ma­susuwerteng kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-18-27-31-35.

CANCER (June 21-July 22) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong buhay. ‘Wag kang tumutol at uma­ngal dahil dadalhin ka nito sa kung saan mo masusum­pungan ang iyong sarili na yakap-yakap ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-29-31-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Itaya mo ang kapala­ran sa araw na ito. Ang buhay sa mundo ay isang pakiki­pag­sapalaran kaya ang mga nakipagsapalaran ay walang aasahan sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-26-28-31-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naghihintay ang mga mala­lapit sa iyo na ikaw ay bigyan ng alalay. Hu­wag kang magdala­wang-isip na lumapit sa kanila dahil hindi ka ma­bibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-17-22-26-39-40-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutukso ang nasa ha­rapan mo na magkakaroon ka ng masa­rap na buhay, pero ang totoo ay masarap na ang iyong buhay ngayon kaya balewa­lain mo ang nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-19-26-33-38-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka. Marami ang gustong maging bahagi ka ng kanilang bu­hay. Piliin mong mabuti ang pakikitaan mo ng maganda. Ito ang mensahe ng kapala­ran mo sa araw na ito. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-21-25-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka sa mga tao dahil ngayon ang tamang pagkakataon para magbigay ng tulong. Reponsibilidad ng bawat isa na bigyan ng tulong ang kapwa na tunay na nanga­ngailangan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-22-28-32-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit mo papansinin ang mga naiinggit sa iyo? Hayaan mo lang sila dahil wala silang magagawa kundi mainggit habang lalo pang gumaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-11-14-25-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakala­kas ng dating mo sa mga ta­ong may lihim na lungkot. Oo nga’t lihim, pero ngayon ay ikukuwento niya sa iyo, mag-ingat ka dahil ikaw ay ma­aawa. Iba ang awa sa pag-ibig. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-21-25-28-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa isang maliit na su­werte, ikaw ay sobrang yayaman kaya hu­wag kang matakot na mag­simula sa maliit. Muli, sa maliit, susuwertehin ka at hindi sa malaki agad na pu­hunan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-20-26-33-41.

Valentines date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page