Ex-BF at BFF ng anak ni Marjorie, una nang nasampulan… Maja, wa' paki na i-unfollow ni Julia, to
- Nitz Miralles
- Jan 20, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Lagot si Maja Salvador kay Julia Barretto sa comment niyang “Huu Maa-unfollow ako nito. Hahahahahaha” na ang tinutukoy ay ang balitang pag-a-unfollow ng young actress sa Instagram kina Joshua Garcia at Janella Salvador.
Tinutukso kasi ni Maja sina Joshua at Janella na nakasama niya sa The Killer Bride at aminado siyang pinu-push niya ang dalawa.
Sa party ng nasabing teleserye, inulit nito ang pagpu-push kina Joshua at Janella. Kaya lang, alam naman siguro ni Maja na may boyfriend si Janella. Baka ang mangyari, pati ang BF ni Janella na si Markus Paterson ay i-unfollow siya o baka magalit pa.
Nililinis lang siguro ni Julia ang IG account niya dahil nauna na niyang in-unfollow ang friend niyang si Gabbi Garcia at ang boyfriend nitong si Khalil Ramos.