Broken-hearted kahit hindi nagkadyowa? Awww! Tips para madaling maka-move on mula sa M.U
- Twincle Esquierdo
- Jan 20, 2020
- 2 min read

Mahirap mag-move on sa katatapos lang na relasyon, pero mas mahirap mag-move on kung wala naman kayong relasyon. Ano raw?
Sa panahon ngayon, uso na ang commitment kahit walang label o mutual understanding (M.U.) kaya kapag nawalan na ng feelings ang isa, madali lang bumitaw dahil hindi naman kayo magdyowa in the first place. Nakakalungkot, ‘noh? ‘Yung tipong akala mo magwo-work kayo kahit walang label, pero sa maling tao ka pa rin pala na-in love. Awww! Kaya para sa mga beshie natin d’yan na sawi kahit hindi naman nagkadyowa, narito ang mga paraan para maka-move on:
1. IWASANG MAKIPAG-USAP SA KANYA. Hindi mo naman siya iiwasan talaga dahil magiging awkward, just act normal, pero limitahan mo ang mga kilos o pakikipag-usap mo kung wala naman kayong dapat pag-usapan. Iwasan mo rin ang makipag-usap tungkol sa malalalim na usapan at kung siya naman ang magkukuwento sa iyo, putulin mo agad ang usapan at ‘wag nang pahabain pa.
2. HUWAG I-STALK SA SOCMED ACCOUNTS NIYA. Totoo naman na mahirap iwasang mag-stalk sa isang tao, lalo na kapag friends o connected pa rin kayo sa lahat ng socmed accounts. Gayunman, iwasan mo na lamang gawin ito upang hindi ka ulit masaktan sa mga puwede mong makita at mapadali ang pagmu-move on mo.
3. ISIPIN MO NA MAYROON PANG MAS BETTER. Hindi mo kailangang mag-aksaya ng oras at panahon sa taong hindi ka naman mahal. ‘Ika nga, know your worth. Maraming tao sa mundo at siguradong may magbibigay sa iyo ng pagmamahal at pagpapahalaga dahil ‘yun ang deserve mo. Madalas nating naririnig na life goes on as you move on. Tanggapin mo na lamang na hindi siya ang taong para sa iyo at hintayin ang iyong “the one”.
4. MAG-FOCUS SA SARILI. Iwasan mong maging updated sa buhay niya at maging busy ka sa iyong buhay. Ang pagpapaka-busy ay isa rin sa mga paraan para makapag-move on ka, gayundin, gawin mo ang mga bagay na gusto o hilig mo tulad ng sports, iba’t ibang activities o negosyo. Makatutulong ito para mawala ang feelings mo para sa kanya at maaaliw ka pa.
5. PANSAMANTALANG KALIMUTAN SIYA. Kasabay ng mga nabanggit, kalimutan mo ang taong ito para makalimutan mo rin ang nararamdaman mo para sa kanya. Gayunman, may mga aral ka ring mapupulot sa mga naranasan mo at sa mga ganitong paraan, magiging matatag ka at magma-mature. Kaya huwag mong sayangin ang oras at panahon mo sa taong hindi nakikita ang halaga mo. ‘Ika nga, you are precious and loved by many. Tumingin ka lang sa paligid mo at siguradong isa sa mga ito ang taong para sa iyo na hinihintay mo. Kuha mo?





Comments