Ssuper babaerong mister, hindi magagawang hiwalayan kaya habambuhay magsasama
- Maestro Honorio Ong
- Jan 19, 2020
- 2 min read
Dear Maestro, Ang problema ko ay ang pagiging babaero ng mister ko kung saan tatlong beses ko na siyang nahuli na may kasamang babae.
Pagkatapos nu’ng dalawang beses ko siyang nahuli, kinompronta ko siya, umamin at nangako naman siya na hindi na siya uulit.
Pero wala pang dalawang buwan ang lumilipas, nahuli ko na naman sila nu’ng babae niya.
Balak ko na siyang hiwalayan at kung makikipaghiwalay ako sa kanya, may ikalawang pag-aasawa pa kayang mangyayari sa aking kapalaran at sa ikalawang pag-aasawa, mas magiging maligaya na kaya ako? April 29, 1987 ang birthday ko.
Umaasa, Annavie ng Santa Isabel, Kawit, Cavite
Dear Annavie, Kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio at hindi rin kapwa mo Taurus, tama ka, maaari kayong magkahiwalay dahil hindi mo siya ka-compatible.
Subalit, kung Virgo, Capricorn, Scorpio at kapwa mo Taurus ang kanyang zodiac sign, kahit sabihin pang babaero siya, tiyak ang magaganap, hinding-hindi kayo magkakahiwalay.
Gayunman, kung sakaling mag-aasawa kang muli, isaalang-alang mo ang nasabing mga zodiac sign sa itaas upang sa pag-aasawang papasukin mo, habambuhay ka nang lumigaya, higit lalo kung ang birth date ng mapapangasawa mo ay 5, 14, 23, 7, 16 at 25 – sa piling ng nasabing mga lalaki, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Habang, ang iyong Love Calendar ang nagsasabing kahit na nambabae at paulit-ulit pang mambababae si mister, base sa Astrology at Numerology na pag-aanalisa, nagkataong iisa lang naman ang malinaw, makapal at magandang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad na pang-araw-araw nating tinatalakay sa ating mga artikulo tungkol sa guhit ng palad, sigurado na ang magaganap – mananatiling buo ang iyong pamilya kahit paminsan-minsan ay gumagawa ng kalokohan ang mister mo, hindi pa rin mahahadlangan ang nakatakda kung saan panghabambuhay pa rin kayong magsasama.




Comments