Pagtulong, promo raw sa bagong serye… Dingdong, nakasuot-sundalo sa relief operation, binanatan ng m
- Erlinda Rapadas
- Jan 19, 2020
- 2 min read

Photo: @dongdantes
Isa ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga tumugon at dumamay sa mga nasalanta sa pagputok ng Bulkang Taal.
Sa pamamagitan ng Yes Pinoy Foundation na nakaagapay sa pagre-repack ng relief goods, tinungo ni Dingdong kasama si Rocco Nacino ang Balayan, Batangas kung saan libu-libong evacuees ang nandu’n.
Nakasuot-militar si Dingdong nang mamahagi ng tulong kaya may ilang netizens ang nang-iintriga na bahagi raw ito ng promo ng bagong serye ng aktor na Descendants of the Sun.
Hindi naman big issue ‘yun dahil isang Navy reservist ang Kapuso actor. Ang importante naman ay sincere ang kanyang layunin na makatulong.
Si Matteo Guidicelli ay nakasuot-sundalo rin nang mamahagi ng relief goods dahil katulad ni Dingdong ay isa rin siyang Navy reservist.
Hindi lang galing sa Yes Pinoy Foundation ang dinala niyang donasyon, naglabas din ng sariling pera ang mag-asawang Dingdong at Marian Rivera.
Samantala, kahit abalang-abala si Dingdong sa paghahanda niya sa Descendants of the Sun, hindi niya napapabayaan ang weekly show niyang Amazing Earth kung saan itinatampok niya ang magagandang tanawin sa ating bansa.
Special guests ngayon sa Amazing Earth ang bandang Ben N Ben, ang sikat na veterinarian na si Doc Ferds at ang tinanghal na Ms. Eco Teen Philippines.
****
Hindi magiging madali ang pagbangon ng mga bayang nasa paanan ng Taal Lake na nasalanta nang husto noong pumutok ang Bulkang Taal.
Ayon na rin sa mga residente ng Pampanga, limang taon bago sila naka-recover sa pangyayari nang pumutok ang Mt. Pinatubo. Sama-sama ang lahat upang makabangon at makapagsimulang muli.
Panawagan nila sa lahat ng bayang sinalanta ng Taal Volcano eruption ay maging matatag. Sana lang, magkaroon nang kaayusan at coordination sa mga evacuation centers.
Tama naman ang suhestiyon ng iba na dapat ay magkasama-sama ang mga evacuees ng Talisay, Batangas at ihiwalay ang mga Taga-Agoncillo, Lemery, Tanauan, Mataas na Kahoy, atbp..vjv





Comments