Laborer, pinatay ng tiyuhin
- Pabs Hernandez III
- Jan 19, 2020
- 1 min read
LEYTE — Patay ang 30-anyos na laborer nang tagain ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa Bgy. Lonoy, Kananga.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ricky Teves, samantalang, ang suspek ay ang tiyuhin nitong si Danilo Nidora, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, pauwi na ang magtiyuhin matapos makipag-inuman sa Bgy. Lonoy nang magkaroon ng pagtatalo. Nabatid na habang nagtatalo ay biglang inilabas ni Nidora ang dala nitong itak at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Teves na dahilan ng kamatayan nito.
Kaagad namang naaresto ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek.





Comments