top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Iba na nga naman kapag binigyan ng condo, 'di makapalag… Aktor-pulitiko, sobrang seloso, GF na s

  • Erlinda Rapadas T.
  • Jan 19, 2020
  • 1 min read

BLIND ITEM:

Super-higpit pala at seloso ang boyfriend ng isang sexy star from a top TV network.

Isang kilalang politician at hiwalay sa kanyang misis ang boyfriend ni sexy star. Minsan nang na-blind item si politician sa isang radio program na nahuli ng kanyang misis na kasama sa condo ang sexy star. Madaling hulaan ang name ng politician dahil sa mga clues na ibinigay ng mga radio hosts.

Sa isang commercial shoot with a male celebrity, may mahigpit na bilin pala si politician sa staff na ‘di puwedeng hawakan ni male celebrity si SS. Kaya lang, importante sa shoot na merong physical touch sa katawan sina SS at male celebrity.

Nalokah daw ang mga staff dahil biglang pinull-out si SS at ‘di na itinuloy ang commercial shoot.

Hindi naman daw umalma si SS at masunurin sa kanyang politician boyfriend.

Bakit nga naman ‘di magiging masunurin si SS gayung give sa kanya ng condo unit at magarbong van si politician?

Promising si SS kaya interesado ang TV network na i-launch siya bilang lead female star sa mga teleserye. Kaya lang, baka ma-turn-off ang mga executives ng network kapag nalaman nila na “nangingialam” si politician sa career ni SS.

Eh, kung kami naman si boyfriend na politician, “ikulong” na lang kaya niya sa condo si SS para sure siya na walang ibang puwedeng humipo sa dyowa niya,

‘di ba?

Pak!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page