top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 19, 2020 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 19, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 19, 2020 (Linggo): Gamitin mo ang iyong tapang sa larangan ng pagnenegosyo. Sa ganitong paraan, tiyak na ikaw ay mapabibilang sa sobrang mayayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ang kapalaran. Samantalahin mo ang prebilehiyong ito na bibihirang ipagkaloob sa tao. Ito rin ay nagsasabing ang iyong tagumpay at kabiguan ay nasa iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-18-20-25-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simulan mo nang tahakin ang landas ng iyong tagumpay. Huwag kang maduwag dahil ngayon na ang pagkakataon mo para maabot mo ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-20-23-30-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong makalagpas ang ilang mahahalagang oportunidad na magpapaunlad ng iyong buhay. Talasan mo ang isipan mo at pakiramdam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-19-24-29-30-35.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi dapat maging emosyunal kapag ang pagpapaunlad sa sarili ang nakataya. Ito ang gawin mong gabay sa buhay dahil ito rin ang magsisilbing susi sa iyong pagpapayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-26-30-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magbigay ka at tatanggap ka ng malalaking biyaya. Ito ang pangako ng langit para sa iyo. Muli mong isabuhay ang noon pa man ay misyon mo na sa lupa na tumulong sa mga tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-17-20-26-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghintay ka ng tamang panahon. Nalalapit na ang mga araw na magdaragsaan sa iyo ang magagandang kapalaran. Ngayon, ang kailangan mo ay itakwil ang iyong mga kapintasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-9-15-17-28-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ikabahala ang mga pangyayaring sa tingin mo ay nahihirapan kang unawain ang mga tao. Ang mas magandang ipasok mo sa ulo ay sila ang dapat umunawa sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-19-20-21-37. SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpatuloy ka at huwag kang umatras. Ang pangarap mong magandang kapalaran ay madaraanan mo habang tinatahak mo ang landas ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-14-20-23-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagkukulay tagumpay ang gawa ng iyong mga kamay, gayundin ang mga likha ng iyong kaisipan kaya puwede ka nang magdiwang dahil ang mga kagustuhan mo ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-28-29-30-31-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sinisilip ka ng mga suwerte sa iyong paligid kapag natagpuang hindi mo sasayangin ang mga biyaya at pagpapala. Dahil dito, mabilis na magsisidapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-27-28-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumihis ka ng landas sa iyong kinawilihang buhay. Sa pagbabago ng iyong prayoridad, ang malalaking suwerte ay mapasasakamay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-21-25-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikilos mo ang mga kamay mo, ibig sabihin, maging abala ka kahit ang iyong pagkaabalahan ay walang kuwenta para sa iba. Pero ang totoo, sa ganito ay bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-18-25-27-30.

VALENTINES DATE KINA MAESTRO HONORIO ONG AT SEÑOR SOCRATES MAGNUS

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day? Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na! Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page