5 rebelde, sumurender
ILOILO — Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Calinog.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA para sa kanilang seguridad.
Ayon sa ulat, sumuko ang limang rebelde sa tropa ng pamahalaan na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga rebelde ang mga dala nilang armas, bala at subersibong dokumento.
Ayon sa mga rebelde, kaya umano sila nagbalik-loob sa pamahalaan ay dahil nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanilang pamilya.





Comments