top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

2 tulak, arestado sa buy-bust

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 19, 2020
  • 1 min read

PAMPANGA — Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Ninoy Aquino, Angeles City.

Nakilala ang mga suspek na sina Henry Sumayad at Rolando Ocampo, kapwa nakatira sa Makati City.

Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng ilegal na droga nina Sumayad at Ocampo ay agad nilang dinakip ang mga ito.

Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na sina Sumayad at Ocampo na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page