Mga isinilang noong 1960, hinay-hinay sa paglalabas ng pera para hindi malugi sa negosyo
- Maestro Honorio Ong
- Jan 18, 2020
- 2 min read

Ituloy natin ang pagtalakay ngayong taong 2020, na ayon sa Chinese Astrology, ang 2020 ay taon ng animal sign na Rat habang ang taong ito ng 2020 ay paghaharian ng elementong metal o bakal.
Paano mo malalaman kung anong elemento ang taglay ng taon ng iyong kapanganakan? Magsimula muna tayo sa animal sign na rat. Ganito ‘yun, kung ikaw ay isinilang sa taong:
• 1912 - ikaw ay nagtataglay ng elementong tubig o water, kaya ikaw ay Water Rat.
• 1924 - ikaw ay nagtataglay ng elementong kahoy o wood, kaya ikaw ay Wood Rat.
• 1936 - ikaw ay nagtataglay ng elementong apoy o fire, kaya ikaw ay Fire Rat.
• 1948 - ikaw ay nagtataglay ng elementong lupa o earth, kaya ikaw ay Earth Rat.
• 1960 - ikaw ay nagtataglay ng elementong bakal o metal, kaya ikaw ay Metal Rat.
• 1972 - ikaw ay nagtataglay ng elementong tubig o water, kaya ikaw ay Water Rat.
• 1984 - ikaw ay nagtataglay ng elementong kahoy o wood, kaya ikaw ay Wood Rat.
• 1996 - ikaw ay nagtataglay ng elementong apoy o fire, kaya ikaw ay Fire Rat. • 2008 - ikaw ay nagtataglay ng elementong lupa o earth, kaya ikaw ay Earth Rat.
• 2020 - ikaw ay nagtataglay ng elementong bakal o metal, kaya ikaw ay Metal Rat.
Kung ikaw ay isang Daga o Rat na nagtataglay ng elementong bakal o metal sa iyong pagsilang, ibig sabihin, isinilang ka noong taong 1960, humigit-kumulang ngayong taong ito ng 2020, saktong 60 taon na ang nakararaan at ito rin ang iyong edad, ganito ang tinatayang iyong magiging kapalaran.
Ngayong 2020, sinasabing tuluy-tuloy na ang iyong sigla, saya, mapayapang isipan at pagyaman. Kung paanong umuunlad ang iyong mga anak, ngayong taong 2020, tuluy-tuloy ding uunlad at magiging maligaya ang iyong buhay.
Sa aspetong pananalapi, walang gaanong pagbabagong magaganap kung saan hindi dapat mag-invest ng malaking halaga, bagkus, kung magnenegosyo, mga negosyong maliit lang ang puhunan ang dapat subukan.
Dahan-dahan din sa paggastos ng pera ngayong 2020 dahil wala namang gaanong balik na pakinabang ang anumang ilalabas na pera. Sa halip, ang mas magandang gawin ngayong 2020 ay magtipid at mag-ipon nang mag-ipon para sa mga biglaang gastusin o emergency at para na rin sa savings para sa future.
Dagdag pa rito, hindi ka dapat mag-invest ng malaking halaga dahil wala namang gaanong balik, sa halip, magugulat ka sa taong ito dahil magkakapera ka ng malaking halaga kahit wala ka namang in-invest o ipinuhunang salapi.
Sa career, tulad sa aspetong pampinansiyal, bagama’t, aangat ang iyong career, ito ay bahagya at dahan-dahan lang, pero patungo pa rin ang lahat ng pangyayari sa pag-unlad at pagkamit ng mga ambisyon mo sa buhay. Sa kalagitnaan ng taon, iwasan ang mga pagkaing bawal at panatilihin ang regular na pagpapaaraw at ehersisyo upang magpatuloy ang malusog na pamumuhay at kasiglahan.
Sa aspetong pampamilya, bagama’t, may mga dati nang pagsubok sa aspetong pangrelasyon, panatilihin mo ang ugaling mapagtiis at matatag upang tuluy-tuloy na makamit ang masayang pagsasama-sama ng pamilya kapiling ang mga anak, apo at mga mahal sa buhay.
(Itutuloy)




Comments