Horoscope | Enero 18, 2020 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Jan 18, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Enero 18, 2020 (Sabado): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo kaya kailangan mong maging matibay at matatag dahil ang malalaking suwerte ay masasayang kapag mahina ang pagbibigyan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag hindi mo kaya, ‘wag mong pilitin ang sarili mo, pero magpalakas ka at kapag malakas ka na, gawin mo na ang mga bagay na hindi mo kaya noon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-23-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa panahon ngayon, reregaluhan ka ng langit ng malalaking suwerte na magagamit mo sa mga gusto mong proyekto at pagtulong sa mga taong nangangailangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-25-31-32-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Tapusin mo na ang mga ginagawa mo ngayon dahil hindi dapat maulit na ikaw ay magkumahog. Mauubos ang oras mo para tapusin ang mga bagay na dapat ay tapos na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-20-39-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang wala kang problema. Magugulat ka na lang dahil maglalaho ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-19-24-25-34-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sukatin mo ang pagkatao ng mga taong gustong maging bahagi ng buhay mo dahil hindi ka dapat magtiwala nang sobra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-24-26-31-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mong magsaya ang iba at ikaw naman ay nagpaplano para sa iyong kinabukasan. Kapag sinunod mo ito, maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-26-31-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat mainip! Habang naghihintay ka, maging positibo ka dahil ang nangyayari sa mga taong positibo ay hindi bibiguin ng langit sa kanyang mga kahilingan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-25-27-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpahalata na mahina ka,
magkunwari kang malakas nang sa gayun ay magsilayas sa harapan mo ang mga taong nananamantala sa iyong kahinaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-18-21-24-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mananatili kang nasa itaas at ang mga naiinggit sa iyo ay mananatiling nasa ibaba. Wala silang magagawa para hatakin ka pababa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-12-14-23-31-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-uunahan ang magagandang kapalaran na dumapo sa buhay mo. Huwag kang mag-alala dahil kahit may ilan na hindi pa mapasasaiyo, muli silang magbabalik para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-22-26-37-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Panatilihin mo ang pagiging maganda ng iyong hangarin para gumanda ang buhay mo. Ang mga pagsubok ay iyong harapin at ikaw ay mananalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-25-27-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa tukso. Ang tukso ay sumisira ng buhay at ang inspirasyon ay nagpapaganda ng kapalaran. Ito ang gawin mong batayan nang hindi ka maligaw at mapahamak. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-23-28-30-32-42.




Comments