'Di raw itinago, wala lang nagtatanong… JC, umaming kasal na nu'ng Sept. 2019 pa, misis 8 bu
- Vinia Vivar
- Jan 18, 2020
- 2 min read

Photo: Shyleena Herrera (left)
Umamin si JC Santos na kasal na siya at magiging isa nang ama. He’s now married to non-showbiz girl, Shyleena Herrera na high school crush niya.
Ikinasal sila last September, 2019 at ngayon ay eight months preggy na si misis.
Inamin ito ni JC sa presscon ng new movie nila ni Bela Padilla na On Vodka, Beers, and Regrets ng Viva Films mula sa direksiyon ni Irene Villamor.
Hindi naman daw nila ito inilihim at wala lang talagang nagtatanong. Aniya pa, sobrang ganda sa kanya ng 2019 at sobrang thankful siya dahil lahat ng dasal at pangarap niya ay natupad.
Ngayong 2020, ini-expect na nila sa February ang kanilang first baby girl kaya sobrang saya raw niya.
Pero right now ay kinakabahan daw siya and at the same time ay excited na to be a father.
Samantala, pangatlong team-up na nina Bela at JC ang On Vodka, Beers and Regrets. Ang una ay 100 Tula Para kay Stella in 2017 at nasundan ng The Day After Valentine’s in 2018.
Sa presscon ay inamin din ni JC na dati ay crush niya si Bela, bago pa man sila nagkatrabaho sa first movie nila. Pero hindi niya ito nagawang ligawan sa buong panahon ng pagsasama nila dahil nga ayaw niyang haluan ng personal ang trabaho.
“Ang pinakaimportante po talaga sa akin ay ang working relationship namin,” he said.
“At kahit maka-sampung pelikula pa kami, ayokong magbago ‘yung nararamdaman namin sa isa’t isa kung magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami,” dagdag niya.
Si Bela naman, ngayon lang daw niya nalaman na nagkaroon pala ng crush sa kanya si JC.
“Feeling ko, salisi kami ni JC. Baka mali kami ng tiyempo sa isa’t isa and mas madali na nga na magkatrabaho na lang kami,” she said.
Wala namang regrets na hindi naging sila?
“Wala naman. Masaya ako para kay JC. Alam kong masayang-masaya siya ngayon, so I’m very happy for him,” sey ni Bela.
Comments