Bulacan, Pasig at Pampanga, nagwagi sa MPBL Lakan Cup

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Madaliang nakakuha ng panalo ang Bulacan Kuyas at ang Pasig-Sta. Lucia Realtors maging ang Pampanga Giant Lanterns na nahirapan muna bago nagwagi sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season kahapon.
Bumanat ang Bulacan ng 20-point lead bago tinalo ang Caloocan Supremos, 81-79, habang may inilargang 25 puntos na kalamangan ang Pasig bago tinalo ang Imus Bandera, 93-88 sa napunong mga manonood sa Angeles University Foundation Arena.
Nalampasan ng Pampanga ang 15 puntos na pagkaiwan upang makapuwersa sa overtime at saka tuluyang tinalo ang Batangas City Athletics, 82-79.
Nakatrangko pa sa 50-65, kasunod ng back-to-back 3 ni JB Tungcab ng Batangas, nagbagsak ang Pampanga ng 22-7 salvo, kasunod ng 10 mula kay Levi Hernandez at game-tying follow up ng bagong Gian Lantern recruit na si Larry Muyang.
Kinumpleto ng 6-foot-5 na si Muyang, ang sentro mula sa Sta. Ana Pampanga na naglaro mula sa Letran Knights ang kanyang pamamahala nang umiskor ng marginal basket at free throw upang itarak ang final deadlock na 79-79 kasunod ng tres ni Jeff Viernes.
Nakagawa si Hernandez ng 32 puntos, 4 rebounds at 2 steals, habang si Michael Juico ay may naibakas na 13 puntos at 12 rebouns para sa Pampanga na pumoste ng ika-4 na straight win at sumampa sa 5th kapatas ang Bataan sa 17-9 sa North division.
Si Muyang ay tumapos na may 9 puntos at 7 rebounds habang si John Dexter Maiquez ay may 7 puntos at 20 rebounds nang pudpurin ng Giant Lanterns ang Athletics sa 70-42.





Comments