top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After ibulgar ni Bea ang panggo-ghost sa kanya… Gerald, 'di ibinasura ng Dos, pinabango pa ang i

  • Janice DS Navida
  • Jan 18, 2020
  • 3 min read

Photo: @andersongeraldjr

Bilib kami sa galing ng ABS-CBN na mag-handle sa career ng kanilang mga artista.

Imagine, a few months ago lang, ang dami-daming namba-bash kay Gerald Anderson dahil sa ‘ghosting’ issue niya kay Bea Alonzo, kung saan ang paniwala nga ng karamihan sa mga netizens ay iniwan niya si Bea para kay Julia Barretto na nakasama niya sa movie hanggang sa na-link na nga sila.

Pero nang mapanood namin ang mga unang episodes ng A Soldier’s Heart, ang bagong serye ni Gerald na magsisimula sa ABS-CBN Primetime Bida sa January 20, feeling namin, kahit ang mga galit at namba-bash kay Gerald, biglang makakalimutan ang nega image na naitatak sa kanya ng hiwalayan nila ni Bea at mamahalin ang character niya bilang isang sundalo na mapagmahal sa pamilya, sa mga kaibigan at sa bayan.

In fairness, magaling naman talagang aktor si Gerald kaya hindi rin pinabayaan ng Kapamilya Network na tuluyang masira ang image niya dahil lang sa kanyang ‘controversial love life’.

Ewan lang namin kung pati si Bea Alonzo na na-hurt sa panggo-ghost daw ni Gerald ay lalambot din ang puso sa aktor kapag napanood nga ang mga eksena nito sa A Soldier’s Heart.

Biniro nga namin si Gerald sa interview namin sa kanya after the screening last Thursday night na kapag napanood ng mga televiewers ang A Soldier’s Heart, imbes magalit sa kanya ang mga babae ay baka lalo pang mabaliw ang mga ito at mas dumami ang maghabol sa kanya dahil bukod sa ang guwapu-guwapo niya bilang sundalo, ang galing pa niyang umarte.

Natawa ang aktor at sabi niya, hindi naman ‘yun ang goal nila sa serye kundi ipakita ang kadakilaan ng mga sundalo.

Anyway, mukhang naka-move on na nga si Gerald sa isyu niya with Bea at Julia dahil nang tanungin namin siya kung paano niya hina-handle ang mga bashers, aniya, bilang artista ay parte ‘yun ng kanilang trabaho. Ang mahalaga raw ay hindi siya nagpapaapekto. In short, dedma na lang sa mga bashers.

“Nasa inyo na ‘yan, nasa atin na ‘yan kung paano natin tatanggapin. Alangan namang dahil sa may nag-bash sa akin, titigil na ako.

“Ang dami ko pang pangarap, ang dami ko pang pinapakain. Hindi naman ako yayaman du’n sa mga bashers,” katwiran ni Gerald.

Nang kumustahin naman namin ang estado ng kanyang puso ngayon at kung handa na ba siyang magka-love life uli, natawa ang aktor at sinabing buong puso niya ay ibinigay na niya sa A Soldier’s Heart.

Well, tingnan natin kung mare-resist niya ang kagandahan ng kanyang bagong love interest sa serye na si Sue Ramirez — ang aktres na hindi nagba-bra! Char!

Sayang nga, nakaalis na agad si Sue kaya hindi namin naitanong kung open ba siya sakaling may ma-develop sa kanila ni Gerald while taping the series dahil pareho naman silang single ngayon, ‘di ba?

Hindi naman siguro biglang sisigaw si Julia B. na na-ghosting (din?) siya ni Gerald kung biglang ma-link ang aktor kay Sue dahil paulit-ulit namang idinidiin ng ex-GF ni Joshua Garcia na friends lang talaga sila ni Ge at hindi niya inagaw ang aktor kay Bea, ‘di ba?

So, wait and see na lang tayo sa GeSu love team!

Anyway, congrats to the whole team of A Soldier’s Heart dahil bukod kay Gerald, stand-out din ang acting ng mga kasama niyang sundalo rito lalo na si Nash Aguas, gayundin sina Yves Flores, Carlo Aquino at kahit ang mga kontrabidang sina Vin Abrenica (na talagang kaiinisan mo), Elmo Magalona, Jerome Ponce at Sid Lucero.

May special participation si Ketchup Eusebio na ang galing-galing din at nakakaiyak ang eksena nila ni Gerald.

Kasama rin sa A Soldier’s Heart sina Ariel Rivera, Irma Adlawan, Raymond Bagatsing, Rommel Padilla, Mickey Ferriols, Nikki Valdez at Mon Confiado. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Richard Somes at panulat ni Jerry B. Gracio.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page