2 patay sa nakaparadang trak
PAMPANGA — Dalawa katao ang namatay nang aksidenteng bumangga ang sinasakyan nilang jeep sa nakaparadang trak kamakalawa sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Bgy. Tabuyuc, Apalit.
Nakilala ang dalawang biktima na sina Adel Guico, driver ng jeep at Christian Pasadilla, kapwa biyahero ng gulay.
Ayon sa ulat, hindi umano napuna ni Guico ang nakaparadang trak sa gilid ng NLEX kaya aksidente itong bumangga sa nasabing sasakyan.
Dinala pa ng mga saksi sina Guico at Pasadilla sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.
Kaagad inaresto ng pulisya ang driver ng trak na si Joel Bueno at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to properties.





Comments