top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Pang-uuto ng gobyerno, tama na, regular na kayod ang kailangan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2020
  • 2 min read

May mga problema, kontrobersiya o usapin sa bansa na lumalabas at natatapos, pero meron ding nananatili at patuloy na umaasang mabibigyang-linaw o masosolb.

Tulad ng isyu na may kaugnayan sa mga manggagawa. Hanggang ngayon ay ipinaglalaban ang pagbasura sa kontraktuwalisasyon. Umaasang darating ang panahon na wala nang empleyado ang kakaba-kaba na after 5 months ay tambay na naman o panibagong gastos sa requirements para ma-renew o makapag-apply.

Hindi lang ito isyu sa pribadong sektor kundi maging sa gobyerno. Kaya napapansin natin na hangga’t may pagkakataon, gumagawa rin ng paraan ang pamahalaan na masuklian ang kanilang serbisyo.

Tulad ng pagbibigay ng incentives o mismong pagri-renew sa kanilang kontrata nang hindi hinahaluan ng politika.

At itong huli, ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘one-time gratuity pay’ para sa mga naka-job order at contractual service.

Base sa Administrative Order No. 20 na nilagdaan noong January 10, 2020, makatatanggap ng hindi bababa sa P3, 000 ang mga naka-job order at contractual service na nakapaglingkod sa gobyerno nang hindi bababa sa apat na buwan at nakapagsimulang magtrabaho noong December 15, 2019 hanggang ngayon. Aabot naman sa P1,000 hanggang P2,000 ang makukuhang gratuity pay ng mga naka-job order at contractual service na nakapaglingkod sa pamahalaan ng mas mababa sa apat na buwan. ‘Ika nga ng iba, okay na rin, kesa wala.

Pero, hindi ba’t mas okay kung katiyakan sa trabaho at makatarungang sahod at benepisyo ang ibibigay? Gayunman, hindi natin sinasabi na gawing regular ang lahat ng nagtatrabaho sa gobyerno, dahil may mga hina-hire na para lang sa mga panandaliang gawain o proyekto.

Pero, may mga empleyado na halos magreretiro na lang ay job order pa rin. Halos mas magaling, responsable at maaasahan pa kumpara sa mga kapapasok lang at regular agad dahil bata ni mayor, inilapit ni congressman o kung sino pang mga backer d’yan.

Alam nating bulok nang isyu ito, pero umaasa pa rin tayong darating ang pagkakataon na magsisimula ang patas na pagtrato sa mga manggagawa sa mismong bakuran ng gobyerno.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page