Out daw siya sa Christmas Station ID ng Dos… Hirit ni Jed: 'Di big deal!
- Vinia Vivar
- Jan 17, 2020
- 2 min read

Nilinaw ni Jed Madela na hindi siya nagtampo sa ABS-CBN nang hindi siya mapasama sa Christmas Station ID ng network noong nakaraang Holiday Seasons. Matatandaan kasing nag-reply siya sa post ni Lea Salonga na hindi raw siya na-inform na may shoot para sa Station ID at hindi niya alam na tapos na pala. Kaya marami ang nag-akala na may tampo siya sa network.
“Nakakatawa nga ‘yung issue na ‘yun, kasi, I think, nagsimula ‘ata ‘yun nu’ng nag-post si Lea ng pictures nila, nag-comment lang ako ng, ‘Ay, nag-shoot na pala kayo, ‘di ko alam.’
“So, no big deal, no big deal, talaga. I mean, siyempre, big deal, but then, wala talaga sa akin ‘yun.
“Siguro, ‘yung post ko na ‘yun, parang binigyan nila ng meaning. Ako naman, kung wala sa concept, okay lang naman. Kasi, previous station ID, nand’yan naman (ako), eh. And it doesn’t mean na ‘pag wala ka sa Station ID, hindi ka part ng pamilya, ‘di ba?
“So, wala talaga, wala akong tampo,” paglilinaw ni Jed.
Aminado naman ang singer na talagang marami ang nakaka-misinterpret sa mga posts niya at talagang minsan ay pumapatol din siya sa mga bashers.
“Sumasagot ako, I clarify. Minsan, sinasabihan ako, huwag nang patulan, pero minsan talaga, kailangan mong patulan kasi you have to put them in their place.
“Sometimes, ‘pag medyo sobra na, you have to reply, you have to put them in their place, you have to make them understand, kasi kung sabihin nila na, ‘Ay, hindi siya nag-react, baka totoo.’ Alam mo ‘yun? So, mas okay na rin na klaro, kesa sa gagawa-gawa sila ng kuwento sa isip nila,” he said.
Samantala, catch Jed at his pre-Valentine dinner concert with Angeline Quinto titled Voices For Love this coming Feb. 12 at the Marriott Grand Ballroom, produced by Tita Annabelle Rama’s Royale Artists Management, Inc..





Comments