top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Enero 17, 2020 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 17, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 17, 2020 (Biyernes): Nasa malala­yong lugar ang mga suwer­te kaya lakasan mo ang iyong loob na mag-abroad nang gumanda ang iyong buhay at maabot mo ang iyong ambisyon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong matukso na ba­guhin ang iyong kasalukuyang pinagkaka­abal­ahan. ‘Wag mong kalig­taan na ang pag-iiba ng dis­karte ay isa ring tukso na mag­dadala sa iyo ng kabi­guan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-23-39-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang araw na ito para lu­maki pa ang kita mo. Tan­daan mo, kung ano ang gus­to ng mga suki, ‘yun ang pa­kinggan at sundin mo, hindi kung ano ang gusto mo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-24-31-32-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Habang nagmamadali kang yuma­man, bantayan mo ang iyong pa­ligid dahil may mga taong inggit na inggit sa iyo at pa­lihim kang pababagsakin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-44.

CANCER (June 21-July 22) - Lumalakas ang dating sa iyo ng suwerte. Kapag ganyan ang kapala­ran, dapat ay maging ma­tiyaga at matibay ka para hindi masayang ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-20-27-31-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong tang­gihan ang mga alay at tulong sa iyong harapan. Mas ma­padadali ang proyekto mo kapag ikaw ay may kasa­ma. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-16-26-31-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang iyong isi­pan at huwag ang damdamin dahil ang pa­ngarap ay naaabot sa pa­mamagitan ng tamang pag-iisip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-24-33-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magmasid ka hindi para ha­napin ang iyong mga kaaway kundi para makita mo ang makatu­tu­long sa iyong mga panga­rap. Tiyak na hindi ka ma­bibigo dahil hindi ka Niya bibiguin. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-11-18-28-31-37-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umiwas ka sa tukso ng bisyo. Magan­da na ituloy mo ang pag­si­sikap mo dahil ang sobrang paglilibang ay hindi ma­ka­bubuti sa kahit na sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-15-28-30-32-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya. Huminto ka muna sa iyong kasipagan at mag-isip ka ng bagong pormula ng tagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-21-24-32-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang iyong mga suwerte. Kaya kung sino ang lumapit sa iyo, siya na at wala nang iba. Sigura­dong siya na ang magbibi­gay sa iyo ng magandang ka­palaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-20-21-26-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit may nararamdaman kang lungkot, kumilos ka at ikaw ay sa­saya. Sa ganitong paraan, magi­ging maganda ang ka­pala­ran mo na hindi sukat aka­la­in na mangyayari. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-28-39-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling nagba­balik ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Makipagsa­palaran ka dahil nasa paki­kipagsapalaran ang nagla­la­kihang tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-16-22-25-33-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page