Nadine, walang nagawa… Serye nina James at Nancy ng Momoland, tuloy!
- Nitz Miralles
- Jan 16, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Naglabas na rin ng omnibus plugging ang ABS-CBN ng new shows nila sa 2020 at kasama sa line-up ang series na pagtatambalan nina James Reid at Nancy McDonie ng Momoland. Ibig sabihin, tuloy pa rin ang project na nabalitang hindi na gagawin ni James dahil sa GF nitong si Nadine Lustre.
Parang naiba lang ang title ng series nina James at Nancy, pero may “soulmate” pa rin sa title. Hindi kaya nagkaisyung umatras si James sa project with Nancy dahil sa title? Wala lang kaming nabasang month sa omnibus plugging kung kailan gagawin ang proyekto nina James at Nancy.





Comments