Kaya 'di raw tumulong agad sa mga biktima ng Taal eruption… Hirit ni Vilma: Mga pulitiko sa Bata
- Erlinda Rapadas
- Jan 16, 2020
- 2 min read

May paliwanag na si Congw. Vilma Santos-Recto kung bakit hindi siya visible noong pumutok ang Bulkang Taal na nakaapekto sa mga bayan tulad ng Talisay, Agoncillo, Lemery, Lipa, atbp..
Marami ang inabot ng makapal na ashfall at nasalanta ang mga pananim ganu’n din ang mga alagang hayop ng mga residente.
Ilang terms ding naging mayor ng Lipa City ang Star for All Seasons kaya natural lang na hinahanap ng marami ang kanyang presence sa panahon ng kalamidad sa lalawigan ng Batangas.
Sa naging pahayag ni Ate Vi sa radio interview sa kanya noong Linggo at Lunes (Jan. 12 and Jan. 13), sila ay nasa Baguio City dahil doon nag-celebrate ng kaarawan ang asawang si Senator Ralph Recto. Pero nang nakarating sa kanya ang balita tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal, kumilos agad ang congresswoman ng lone district ng Lipa City.
Hindi naman siya basta-basta makakaaksiyon dahil nariyan pa ang gobernador ng Batangas na si Dodo Mandanes at si Vice-Governor Mark Leviste, ganu’n din ang mga mayors ng Talisay, Agoncillo, Lemery, Lipa, Taal, atbp..
Ayaw niyang sapawan o alisan ng karapatan ang mga dapat mamuno sa lalawigan ng Batangas. Pero anytime, handa siyang tumulong sa mga nasalanta.
Sa gitna ng malaking pinsala sa maraming bayan na nasa paligid ng Taal Lake, naniniwala si Congw. Vilma na makakabangon ang mga Batangueños na likas na masisipag at matibay ang loob.
Madasalin din daw ang kanyang mga kababayan kaya alam niyang kayang lagpasan ng mga Batangueños ang pagsubok ng kalikasan.
Nagpapaabot din ng pasasalamat ang Star for All Seasons sa lahat ng taong tumulong, nagbigay ng mga donations para sa mga kababayan niyang nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano.





Comments