Ibinebentang face mask, sobrang mahal daw, binanatan… Luis rumesbak, tinawag na tanga ang basher

Sa panahon ng Taal crisis, mas inaatupag pa ng mga netizens ang mang-bash ng mga celebrities at politicians. Biruan nga ngayon sa showbiz, nakakatakot mag-post dahil ‘pag nagkamali ka ay katakut-takot na pamba-bash ang aabutin mo.
Kapag nag-post ang artista halimbawa na nasa ibang lugar siya habang pumuputok ang bulkan, asahan mong iba-bash na nila ito at sasabihing mas inuuna pa ang mag-enjoy gayung maraming kababayan natin ang naghihirap.
‘Yung mga nagpo-post naman ng kanilang pagtulong, bina-bash din at sinasabihang hindi na kailangang i-post ang mga tulong na ginagawa. Kapag hindi ka nakikitang nag-post ng pagtulong, lalaitin nila at sasabihang hindi man lang tumutulong.
Really, hindi na malaman ng mga artista kung saan ilalagay ang kanilang sarili.
Isa nga sa mga naba-bash lately ay si Luis Manzano dahil sa N95 masks niya na ibinebenta na napakamahal daw. Sinagot na ito ng host at ipinaliwanag niyang bago pa man ang Taal Volcano eruption ay ganu’n na ang presyo talaga ng mask dahil sa kalidad nito na naintindihan naman ng ibang nakakaalam ng presyo ng produkto.
Pero ayaw tumigil ng ibang bashers at iniisip na nagte-take advantage siya sa halip na tumulong. Good thing, sinasagot lahat ito ni Luis na dapat lang para malaman ng iba nating kababayan ang side niya.
“Ineng, hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto mong ipakita - very good, kung ayaw mong ipakita - very good din. Ang kaya lang kasi ng utak mo ay social media, ‘di mo gets na may buhay sa likod ng lahat ng ‘to. 2020 na kami, nasa 19 tanga ka pa,” ang sagot ni Luis sa isa niyang basher.
At sa mga nag-aakalang walang naitutulong si Luis, ipinost na ng kanyang inang si Batangas Representative Vilma Santos ang kahun-kahong donasyon niya para sa Batangas.
Caption ni Ate Vi: “Maraming salamat sa tulong mo, anak. I love you, Lucky.”





Comments