Horoscope | Enero 16, 2020 (Huwebes)

Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2020 (Huwebes): Kumikilos ang iyong kapalaran sa ikagaganda ng iyong buhay. Ito ay mangyayari kahit magkamali ka sa iyong mga pagpapasya.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa iyong paningin, ‘yun ang piliin mo dahil ang magaganda ay nagsisilbing inspirasyon sa buhay ng tao. Muli, kung ano ang maganda, ‘yun ang piliin mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-20-23-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin, ang sinumang kumontra sa iyo ay langit mismo ang makababangga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-27-29-30-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbabalikan ang mga tukso sa buhay mo. Sa pagkakataong ito, higit silang malakas kaya magpakatibay ka at maging mas matatag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-15-23-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Lumakas ang iyong karisma na masasabing isa na ring malakas na gayuma. Mag-ingat ka sa mga wala nang karapatan dahil sisirain nila ang iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-27-31-36-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong maging sobrang taas. Ipantay mo ang iyong sarili sa mga pangkaraniwan nang sa gayun ay sumaya ka at magkaroon ng pagkakataong mapaunlad pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-24-39-40-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa nakikita mong sinusuwerte, susuwertehin ka rin at ang maganda pa, kapag nagawa mo ito ay magiging mas masuwerte ka kaysa sa mga didikitan mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-20-29-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumalago ang halaman kapag natatalbusan. Huwag mong isipin na kailangan kang maisahan ng mga mapagsamantala. Ito ay nagsasabing mamuhunan ka sa bagong pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-26-31-34-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka ayon sa iyong mga plano. Huwag kang liliko sa kanan o kaliwa, ibig sabihin, kung ano ang naiplano mo, ‘yun mismo ang isagawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwereng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-16-20-24-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lahat ng ikikilos mo ay dapat nakatuon sa mga pangarap mo. Sa ganitong paraan, mabilis mong maaabot ang tagumpay at ang ganap na kaligayahan ay tiyak na tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-14-17-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipagpabukas pa ang mga gagawin mo ngayon. Ito rin ay nagsasabing ang nadarama mong pananamlay ay iyong labanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-20-24-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang mga kaganapan sa iyong buhay. Hindi mo tututukan ang pagpapayaman dahil magiging abala ka sa maraming bagay, pero darami pa rin ang laman ng iyong bulsa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaakit ka sa maganda, sasabihin ng mga nasa paligid mo na ikaw ay mahina, pero sa huli, makikita nilang mas gaganda ang buhay mo at nakagugulat, dahil ikaw ang gagawin nilang huwaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-26-35-39.




Comments