Kaya todo-emote sa socmed… Frankie, gustong pasukin ang pulitika!
- Beth Gelena
- Jan 15, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Nakunan ng pahayag si Frankie Pangilinan tungkol sa kanyang ate na si KC Concepcion. Sinabi ni Frankie na wala silang hidwaan ng kanyang half-sister. May komunikasyon daw sila palagi.
Hindi naman sinabi ni Frankie kung ano ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ngayon ng kanyang Ate KC at ng kanilang inang si Megastar Sharon Cuneta.
Instead, ang sinabi ni Frankie sa video interview ay ang patuloy niyang paglalabas ng mga honest thoughts tungkol sa political issues ng bansa.
Open din siyang pasukin ang pulitika, pero ‘di pa raw sure sa ngayon.





Comments