Yellow, green at black, suwerteng kulay ngayong 2020
- Maestro Honorio Ong
- Jan 14, 2020
- 2 min read

Ituloy natin ang pagtalakay sa taong 2020.
Bilang taon ng animal sign na Metal Rat, hindi rin dapat kalimutan na ang 2020 ay taon o simula rin ng bagong dekada. Ibig sabihin, kung napansin mong sinusuwerte ka sa nagdaang taon (2019), higit lalo sa last quarter o mga huling buwan ng 2019, ito ay nangangahulugan o pahimakas na magtutuluy-tuloy pa ang iyong suwerte ngayong 2020.
Dahil “extreme” ang numerong 2020 sapagkat ito ay may sumatutal na four (4), alalahaning ang 2020 ay kinokompyut ng ganito, 20+20=40/ 4+0=4. Ito ay nangangahulugan na ang bawat pangyayari at kapalarang magaganap ngayong taon ay “extreme” rin o nasa rurok, lalo na silang naiimpluwensiyahan ng numerong kuwatro (silang mga isinilang at may destiny number na 4, 13, 22 at 13), ganundin ang mga “ka-affinity” ng nasabing numerong kuwatro (4) tulad nilang may mga birth date at destiny number na 1 (silang isinilang at may destiny number na 1, 10, 19 at 28). Ibig sabihin, malalaking tagumpay ang maaaring mapasakamay n'yo ngayong taong ito ng 2020, ganundin, dahil extreme o nasa rurok, maaari ring malalaki at biglaang kamalasan ang maganap, pero sa kabila ng mga negatibong pangyayaring ito, maaaring ang maging dulo o hangganan ng lahat ay malaking tagumpay.
Walang iniwan sa saktong halimbawa na ‘yung mabigat mong problema ang magiging daan upang magkaroon ng maraming blessings at pagpapala ang iyong buhay.
Tunay ngang ganu’ng kapalaran ang maaaring mangyari sa mga taong may bitbit na numerong four (4) at one (1) at kasama rin silang mga isinilang at may destiny number na 8, 17 at 26. Habang silang mga isinilang at may destiny number na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25 ay magkakaroon din ng suwerte at kakaibang kapalaran ngayong 2020.
Tulad ng nasabi na, ang lahat ng mga numerong binanggit sa itaas ay mga ka-affinity o katugma ng pamosong numero ngayong taong ito ng 2020 na numerong kuwatro o four (4).
Samantala, upang ang mas madaling ma-attract o maakit ngayong 2020 ay ang positibong kapalaran, dapat palaging magsuot ng suwerteng kulay na dilaw at berde.
Kapag naman napapansin mong “weak” o mabagal ang dating sa iyo ng magandang kapalaran ngayong 2020 at ikaw ay pasok sa mga may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, 4, 13, 22 at 31, mas mainam kung magsusuot ka ng “strong color” na itim o black nang sa gayun ay ang positibo at magandang kapalaran na dulot ng strong color na black ay mas madali mong masasagap.
(Itutuloy)




Comments