top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

'Wag daw pumayag na maipareha sa iba… Lizquen, sinabihan ni Sharon na 'wag maghiwalay

  • Janice DS Navida
  • Jan 14, 2020
  • 1 min read

Balik-primetime ang tam­balang Liza Soberano at Enrique Gil sa Make It With You na nagsimula nang mapanood kagabi (January 13) sa ABS-CBN Primetime Bida.

Sa interview sa LizQuen after ng press­con ng kanilang bagong serye, natanong kung tulad ng ibang love teams, willing din ba silang maipareha sa ibang aktor-aktres sa industry?

Si Enrique ang unang su­ma­got, “Yeah, pero baka magalit si Tita Sharon (Cuneta). Sabi niya sa akin, ‘Please, make sure na ‘wag ka­yong mag-aano sa iba, kayo lang forever. Please, ‘wag kayong ma­ki­kinig sa lahat. Matagal na ako sa in­dustriya, kayo lang.’”

Panay opo lang naman daw ang sagot ni Quen sa Megastar.

Pero kung silang dalawa raw ni Liza ang tatanungin, in the future ay open naman sila.

“It would be weird, to see doing scenes without her, you know, but…” bitin na sabi ni Quen dahil sinalo ito ni Liza.

“I think kasi ngayon pa lang, ‘pag ‘di kami magkasama sa isang unit, parang ang weird.

“But we’re open to working with other people because we like the experience, we like learning from different actors. But the feeling about working with other people, it makes us nervous, of course, but like I’ve said, we’re not closing any doors,” pag-amin naman ni Liza.

Well, bentang-benta pa naman sa mga fans ang tam­ba­lang LizQuen kaya wala kaming nakikitang dahilan para pag­hiwalayin na sila. Siguro, ‘pag pinag­sa­sawaan na sila ng mga fans, du’n sila pu­wedeng mag-try ng iba.

For now, na-witness naman naming excited pa rin ang mga fans sa kanilang bagong seryeng Make It With You kaya hayaan na lang muna nating pasayahin nila ang mga viewers.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page