Hindi pala safe, besh... Bank details at personal account, puwedeng ma-hack sa paggamit ng public wi
- Jersy Sanchez
- Jan 14, 2020
- 2 min read

Napakahilig nating mga Pinoy sa mga libre — mula sa pagkain, pamasahe at siyempre, libreng paggamit ng internet. Kaya nga palaging nauubos ang mga freebies na nakukuha natin mula sa mga load promo, ‘di ba?
Pero para hindi na umasa sa mga freebies, patok na patok ngayon ang free WiFi sa mga pampublikong lugar tulad ng mall, parke at kahit sa EDSA.
Ngunit hindi porke libre ay oks na. Alam n’yo ba na ang paggamit ng public WiFi ay maaaring mauwi sa pagnanakaw ng inyong mahahalagang impormasyon? Naku po!
Marami nang lugar na nag-o-offer ng libreng paggamit ng WiFi tulad ng mga coffee shops, convenience stores at meron na rin nito sa mga pasyalan.
Ayon sa mga eksperto, kahit malaking tulong ito kapag kailangan nating ma-contact agad ang ating kapamilya kapag may emergency, hindi dapat makampante ang mga gumagamit nito dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay safe ang public WiFi.
Ito ay dahil maaaring ma-monitor ng mga hackers ang inyong activities sa cellphone, lalo na kung gumagamit kayo ng online banking, emails at messaging applications.
Maaari umanong gumamit ng pangalan ng WiFi o hotspot na pamilyar sa mga tao, halimbawa, pangalan ng mall, convenience store o coffee shop upang siguradong dito ko-connect ang user. Kapag naka-connect, dito na maaaring ma-access ang laman ng iyong phone, partikular ang mahahalagang impormasyon at bank details kung naka-online banking.
Samantala, hindi umano dapat kalimutan na kahit naka-private ang settings natin sa social media ay makikita pa rin ito ng publiko. Mananatili itong naka-save sa database ng socmed network at ito ay nangangahulugan na kaya na nilang gawin ang anumang balak nila.
Kailangan din umanong maging maingat sa mga ipino-post dahil ang simpleng pagpo-post ng ID, passport o lisensiya ay puwedeng magresulta sa identity theft. Gayunman, inirerekomenda ng mga eksperto na gumamit na lamang ng sariling internet connection o mobile data nang sa gayun ay makasiguradong safe ang inyong mga impormasyon.
Naku, mga besh, hindi rin pala palaging oks ang mga ganitong klase ng libre. Kaya para sa mahilig gumamit ng public WiFi r’yan, alam n’yo na, ha?
Make sure na secured ang gagamitin ninyong connection para iwas-hack. Kuha mo?





Comments