top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

OFW na madalas managinip ng kabaong, mas susuwetehin kesa sa walang pagsubok sa buhay

  • Socrates Magnus
  • Jan 13, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Noseba ng Noseba_Lase@facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng madalas kong panaginip na may ataul o patay? Nag-a-apply ako ulit abroad bilang DH, natatakot tuloy ako ngayon dahil sa madalas na panaginip kong ito. Para akong nawawalan ng pag-asa.

Naghihintay, Noseba

Sa iyo Noseba, Ganito ang sabi, iha, “face your fear” o labanan mo ang takot mo dahil isang susi ito ng tagumpay na isinabuhay ng mga nagkaroon ng successful life.

Ganito naman ang nasusulat sa Bible, “Ang tao ay inilagay sa mundo para sanayin.” Ibig sabihin ng “sanayin” ay pagsasanay tulad ng ginagawa ng mga sundalo, as in, the world is a training ground. Sa ibang bersiyon, ang “sanayin” ay “subukan”, as in, pagsubok.

Ganito naman ang sabi ng lola ko, “Ang mga wala nang pag-asa ay hindi na kasali sa mga daraan sa pagsubok ng buhay. Kaya sila na may mga pagsubok, sa hanay lang nila magmumula ang mga magtatagumpay.” Dagdag pa ni lola, “Mapalad ang mga sinusubok!”

Tulad mo, ayon sa iyong panaginip, makikitang tinatakot ka at ito mismo ang unang pagsubok mo. Mapalad ka dahil ang hindi tinatakot ay wala nang pag-asang magtagumpay sa buhay dahil hindi na daraan pa sa pagsubok ang mga mahihina na walang tsansa na makapasa.

Kaya ang takot sa panaginip ay para lang panakot sa mga ibon na talagang panakot lang naman na kapag hindi natakot ang ibon, ang panakot ay walang saysay.

Tulad ng nasabi na sa unahan, labanan mo ang iyong takot. Magpakita ka ng lakas ng loob at tapang at makakamit mo ang iyong pinangarap sa buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page