top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malas daw kasi… Joshua, obyus na napipilitan lang kasama si Julia?

  • Beth Gelena
  • Jan 13, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Kakalokah ang komento ng mga netizens sa ipinost na picture nina Joshua Garcia at Julia Bar­retto sa muli nilang pagkikita para sa presscon ng Block Z movie.

Anila, “Para sa promo, para sa eko­no­miya!”

Napaka-awkward daw tingnan ng JoshLia dahil halatang pilit na pilit sila sa isa’t isa. Isang tanong, isang sagot, un­like dati na in good terms sila at mara­ming nasasabi kapag may itinatanong ang press people. Speechless sila ngayon, kumbaga.

Si Joshua nga raw, halatang napipilitan sa mga sina­sabi kahit ano’ng pagpo-poker face ang gawin.

Ani ng isang netizen, “Siyempre naman, promo-pro­mo rin ‘pag may time. ‘Di kasi pumatok ‘yung sa kanila ni Ja­nella (Salvador). Solo ka na lang, boy, naka­kaumay na ang kaka-push sa love team na pangkabuhayan showcase lang naman.”

Tsika naman ng aming kaibigan, pakiramdam niya ay naobliga lang ang young actor nang sabihing “na-miss” niya si Julia dahil may peli­ku­lang ipino-promote.

“Sa totoo lang as much as possible, ayaw na niyang ma­iugnay kay jinx (Julia),” aniya.

May nagsasabi pang sana ay nag-focus na lang si Joshua as solo. Hindi na lang daw sana nag-love team dahil maganda na­man ang kinalabasan ng kan­yang career nu’ng nasa The Great­est Love. Nakuha raw niya ang aten­siyon ng mga televiewers bilang apo ni Sylvia Sanchez.

“Okay naman siyang aktor compared sa kasa­ba­yan niya pero mas maga­ling sana siya kung wala siyang safety net. Kasi ami­nin natin, kapag may love team na sila, nagiging kam­pante sila na supported ng mga fans. Medyo tamad-ta­maran to improve kum­ba­ga,” lahad ng isang net­izen.

Well, kung anuman ang kalalabasan ng movie ni­lang Block Z, sana raw ay hindi gaanong mag-suffer sa takilya.

By the way, marami ang nag­sasabing kinuha lang ang idea ng Block Z sa pelikula no­on ni Brad Pitt na World War Z.

Gaano kaya katotoo, Sir Mico del Rosario?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page