May kargang baby, sign na mabubuntis na
- Socrates Magnus
- Jan 12, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Joy ng Joy_Refasis @facebook.com.
Dear Professor, Nanaginip ako na may karga akong baby na anak namin. First time kong mapanaginipan ito. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!
Naghihintay, Joy
Sa iyo Joy, Kapag napanaginipan na may buhay na sanggol ang nanaginip na babae, posibleng magkaroon ng anak. Kaya kung isa ang anak niya, magiging dalawa ito at kung wala pa siyang anak, ngayon ang magandang pagkakataon para magkaanak.
Narito ang ilang tips para masundan o magkaanak ang babae:
1. Ang pakikipagtalik ay dapat itapat sa mga araw na papalaki ang buwan o hanggang sa araw mismo ng full moon.
2. Kapag ang babae ay payat, siya ay pinapayuhang kumain ng masusustansiyang pagkain at limitahan ang mga pagkilos at bawasan ang pinagkakaabalahan. Ito ay dahil kahit kain nang kain ang payat na tao, hindi niya mapakikinabagan ang mga sustansiyang nakakain niya kapag aktibo ang kanyang buhay dahil nauubos ang kanyang enerhiya.
3. Kapag naman mataba ang babae, ang payo ay mag-ehersisyo at maganda rin na masahihin niya ang kanyang upper legs at paligid ng balakang.
4. Sa payat at mas mataba, ang payo ay kumain muna ng ilang piraso ng chocolate bago makipagtalik. Puwede ring ice cream ang kainin, maganda rin ang uminom ng coffee.
Mahirap paniwalaan ang mga nasa itaas, pero ang mga ito ay nagmula sa sikretong kaalaman ng mga Hindu na kung tawagin ay “Tantric way of life”.
Para sa ibang kababaihan, hindi lang pagluluwal ng sanggol ang paraan para maging ina, pero para sa mga paniniwala noon, kailangang magkaanak ang babae dahil masasabing siya ay nasa womanhood na kapag siya ay nagkaanak.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments