top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya malakas ang loob umaming nagli-live-in na… Nadine at James, nagpakasal na sa Tate?

  • Julie Bonifacio
  • Jan 12, 2020
  • 1 min read

Nagbubunyi ang mga fans nina Nadine Lustre and James Reid sa paglabas ng bagong piktyur nila na magkasama. Another “sampal” na naman ‘yan sa mga nagsabing hiwalay na sina Nadine at James.

Say nga ng aming source, “Bago nila sabihin na hiwa­lay na ang JaDine, hintayin muna nilang magpa-annul ‘yung dalawa.”

Nagulat kami kaya ang tanong agad namin sa aming source, bakit naman magpa­pa-annul ang dalawa, kasal na ba ang JaDine?

Diin ng aming source, ma­tagal nang kasal sina James at Nadine.

Kailan????

Sagot niya sa amin, nag­pakasal ang dalawa sa US nu’ng ginagawa ng JaDine ang serye nilang On The Wings of Love.

Pero teka, kung sa US sila nagpakasal, dapat ay divorce at ‘di annulment.

Tama naman daw, sabi ng aming source. Divorce nga raw.

Ito raw ang dahilan kaya malakas ang loob nina Nadine at James na amining nagli-live-in na sila. Kaya ang bahay na tinitirhan ni James sa isang posh subdivision sa Kyusi ay conjugal property diumano nila ni Nadine.

Tsika pa ng source namin, inaayos ‘yung bahay nina James at Nadine sa QC at nagliligpit sila ng ilang gamit in preparation sa paglilipat nila sa bago nilang lovenest sa isang condo sa Makati City.

And take note, worth P30M more or less daw ang bagong condo unit nina James at Nadine.

Wowwww!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page